Buwan ng Wika, ipinamalas sa
eksibit
Ricky Tacdol
Ipinamalas ng mga
guro sa Filipino ng Mambugan National High School ang pagkakakilanlan ng mga
Pilipino sa pamamagitan ng eksibit, Agosto 19.
Naglalaman ito ng
mga sinaunang kagamitan ng mga Pilipino, mga portfolio ng mga bayani, mga
pambansang kasuotan at sinaunang alpabeto ng mga Pilipino; ang Alibata.
Umakma ang tema
ng Buwan ng Wika sa makikita sa loob ng eksibit kasabay pa nito ang pagpapatugtog
ng mga sinaunang awitin at makabayan.
Ang tema ng
nasabing buwan ay “Wikang Pilipino Simbolo ng Kultura at Lahing Pilipino.”
Pinangunahan ni Gng. Aida Carambas (Tagapangulo ng Kagawaran ng Filipino) ang
nasabing eksibit kasama ang kanyang miyembro.
Kaalinsunod nito
ang panapos na palatuntunan kalakip ang iba’t-ibang kompetisyon na isinagawa
dakong hapon , Agosto 27.
Naging maayos at
makulay ang takbo ng paligsahan habang tumatak naman sa isipan ng mga mag-aaral
an gating wikang ipinaglaban pa n gating mga bayani.
Pinangaralan ang
mga batang nagkamit ng unang pwesto. Pinagbidahan ng ikaapat na taon ang
pag-awit ng maramihan at pagsayaw ng katutubo. Samantalang nakuha naman ng
ikatlong taon ang pagsayaw ng may interpretasyon.
Napanalunan naman
nina Carina Oliva (IV-1) ang paggawa ng sloga, Bennie Ostonal (III-1) para sa
paglikha ng tula, Jovelyn Sadulang (IV-1) sa paglikha ng sanaysay at Eliza
Quintano (III-1) naman ang nakakuha ng unang pwesto para sa pag-awit ng isahan.
Paligsahan, isinagawa sa Buwan
ng Nutrisyon
Crystal Jane Comot at Ricky
Tacdol
Iba’t-ibang
paligsahan ang isinagawa sa buwan ng
nutrisyon, na ginanap sa Mambugan National High School, Hulyo 15.
Layunin ng
palatuntunan na ito na ipaalam sa kabataan ang halaga ng wastong nutrisyon.
Kalinsunod sa tema na “Ang Batang may Kinabukasan, sa Wastong Nutrisyon
Simulan.”
Sinimulan ang
iba’t-ibang kompetisyon sa dakong alas-4:00 ng hapon. Pinangunahan ito ni Gng.
Margaret B. Velasco (TLE Coordinator) Naging makulay ang araw na iyon lalo na nang
magpakitang gilas ang mga mag-aaral para sa “Jingle Making Contest.”
Iba’t-ibang antas ng Mambugan ang nakilahok, kasama na rito ang mga SENIORS sa
pangunguna ni Roxanne P. Paraiso (IV-1) na nagkamit ng unang pwesto.
Samantala,
pumapangalawa naman ang mga JUNIORS sa pangunguna ni Alissa R. Turingan
(III-1). Ngunit hindi rin naman umuwi na talunan ang mga SOPHOMORES sa
pangunguna ni Ana Melissa Zausa (II-1) dahil sila ang nakakuha ng ikatlong
pwesto. Samantala, si Neptalie Aunzo na isa ring III-1 ang nagkamit ng unang
pwesto para sa “Poster and Slogan Making Contest,” pumangalawa sa kanya si
Carina Oliva (IV-1).
Kasabay din nito
ang pagbibigay pugay sa bagong Department of Health (DOH) Secretary na si
Francisco T. Duque III.
Ang mga
nagsipagwagi ang naging kinatawan sa Division Contest na ginanap naman sa Lores
Elementary School, Hulyo 23.
Mambugan naglunsad ng ‘Iwas
Dengue Drive’
Mary Jane Pataueg
Naglunsad ng
isang ‘Iwas Dengue Drive’ ang General Parents and Teachers Association Officers
(GPTAO) na ginanap sa Mambugan National High School, Set. 3.
Layunin nitong
mabigyang impormasyon ang mga magulang at mag-aaral upang maiwasan ang
paglaganap ng sakit na ito. Tinalakay ni G. Wilfredo Leyva, kinatawan ng City
Health Office ang ibat-ibang kaalaman tungkol ditto. Binigyang pansin ang
Dengue H-fever; mga palatandaan at sintomas at kung paano maiiwasan ang
pagkakaroon nito. Namahagi rin ng leaflets/pumplets si Dr. Adelina Cruzada
(Punungguro)
Kasabay nito
tinalakay ni Dr. Cruzada ang pagpapatayo ng Mid-Shift Building sa Siruna.
Nakiusap ang GPTA Officer na sina Gng. Prima Ellao (Vice President) at Gng.
Caridad Crispino (President), na makiisa ang mga magulang sa nasabing proyekto.
7 bata, 2 guro dumalo sa pagsasanay sa pamamahayag
Rachelle Peregrino
Dumalo ang pitong mag-aaral at dalawang guro ng
mambugan National High School sa “Division Training of School Paper Advisers
and Campus Journalists” na isinasagawa ng Dep Ed. Antipolo sa ACG Building ng
Antipolo National High School, Agosto 19-21.
Isa sa layunin ng Dep Ed. na mahasa ang mga
estudyante sa pagsulat ng mga balita. Dinaluhan naman nina Mr. Serge Ontuca,
Prof. Willy Reyes, Mrs. Edna Agustin at Mr. Jojo Mejia bilang tagapagsalita ng
tatlong araw na pagsasanay sa paggawa ng diyaro.
Nagbigay ng ilang pahayag ang mga tagapagsalita kung
paano maging bihasa sa angkop nilang kategorya. Nagkaroon din ng palihan na
pagsasanay ang mga mag-aaral. Bilang pagtatapos ng programa, pinuna at
pinarangalan ang mga gawa ng mag-aaral sa iba’t-ibang paaralan.
Pinangunahan ni Gng. Edna Agustin (English Division
Coordinator) ang nasabing palatuntunang ito. Masasabing matagumpay ang
pagsasanay dahilan sa maraming natututunan ang mga mag-aaral. Maari nila itong
maging gabay sa nalalapit na Division School Press Conference (DSPC) na
gaganapin sa Set. 23-25.
100 upuan tinanggap ng Mambugan
Crystal Jane F. Comot
Tinugunan ni Mayor
Angelito C. Gatlabayan ang kahilingang mga upuan ng Mambugan National High
School para sa kanilang pag-aaral, Okt.10.
Sa tulong ng
Citizen Patrol naging maaga ang pamamahagi nito. Sa pamamagitan ng text ng
isang mag-aaral ng Mambugan na si Mhelbie Pescasio (I-1), naaksyunan ang
problema ng mga mag-aaral sa upuan.
Tumulong ang
ilang resident eng Mambugan nang sa gayun maisaayos kaagad ang mga upuan. Nakipagtulungan
din ang mga guro’t mag-aaral sa pagpapabilis nito. Naging masaya ang mga
mag-aaral dahil hindi na sila mahihirapan sa pag-aaral.
Masasabing matagumpay
ang pagtupad ng kanilang kahilingan dahil natamasa nila ngayon ang kanilang
kahilingan. Hindi na sila nagsiksikan sa iisang upuan lamang at wala na ring
nakaupo sa sahig. Malaking pasasalamat ang naging tugon ng mga mag-aaral ng
Mambugan sa pagbibigay pansin sa kanilang hiling.
158 dumalo sa Regional
Jamborette
Ricky Tacdol
Umabot sa 158 na
mga skawt ang dumalo sa isinagawang 7th Southern tagalong Regional
Jamborette na ginanap sa Mt. Makiling UP Los Banos Laguna, Okt. 13-16.
Layunin nitong
mabigyan ng sapat na kaalaman ang mga estudyante upang maging handa sa trahedya
o sakunang mangyayari. Sinasabing ang programa na may temang “A Program of
Today’s Youth for a Better Tomorrow” ang kumukumpormeng kabataan para sa
kinabukasan.
Kasama ang
mag-aaral ng Mambugan National High School na sina Glibert Tuyay (IV-1), Eric
Camero (I-1), William Betonio (I-1), Rey Isaaac Navarro (II-1) at Jimmy Panes
(IV-1) na naguna sa ilang paligsahan at kanila naming pinagbidahan. Ipinamalas rin
nila ang pagiging maparaan, mapagbigay at pagiging matulungin na kailangang
taglayin ng isang tunay na iskawt.
Umabot naman sa
158 ang mga iskawt na bumubuo sa programa mula sa tulong ni Mr. Nino Pantoja
(Scout Master) at Mr. Joebert Cagnayo
(Asst. Scout Master) ay naging maayos at komportable naman ang lahat.
Bilang pagbubukas,
nagkaroon ng ilang pagsubok ang mga estudyante tulad ng Adventure’s Hike,
Challenges Valley, (Obstacle Course), Emergency Preparation at Palo Sebo na
talaga naming pinaghandaan ng lahat. Napagod ang bawat iskawt ngunit sa kabila
nito ay naging masaya pa rin sila dahil maari nila itong baunin bilang
magagandang alaala sa kanilang karanasan.
Pagsapit ng gabi
nagiging makulay ang kapaligiran dahil sumisiklab na Grand Campfire sa Grand
Arena na pinangungunahan ng mga Eagle Scout.
Kabilang ang
Mambugan sa Antipolo Rizal na parte naman ng CALABARZON IV-A na humakot ng
ilang parangal.
Balitang lathalain
Tiangge, perya binuksan sa
Ynares
Donnalyn Pacete, Mary Rose
Bedrijo at Khecelyn Balmaceda
Labis na
kinawiwilihan ng mga tao ang tinayong tiangge sa bakuran ng Ynares Center na pinasimulan
nang asawa ni Gov. Casimiro “Ito”Ynares na si Nini Ynares tuwing Setyembre.
Ipinagdiwang ni
Gng. Ynares ang kanyang kaarawan kasabay din nito ang pag-uumpisang mabuksan an
gang tiangge. Sa katunayan, nagkakaroon lamang ng tiangge tuwing papalapit na
ang piyesta ng Antipolo ngunit tinaun-taon na ito. Tatlong taon na itong
matagumpay na naisasagawa.
Nakakaingganyo ngang
talaga ang pumasyal ditto dahil sa mga makukulay na ilaw na nagbibigay buhay sa
lugar. Makakapag-enjoy ka talaga ditto, bata man o matanda pwedeng sumakay sa
mga “rides” na itinayo nila na hated ay saya sa sinoman. Nakakapawi ng pagod sa
mga taong nagdaraan at nakakakita nito.
Dinagsa ito ng
mga tao mapamayaman o mahirap man dahil sa mura na bagsak presyo pa at hindi
mabigat sa bulsa ang mga produktong kanilang ibinebenta. Sari-saring mga gamit
at mga sapatos ang mapagpipilian mo. Maaga pa lang ay makakapamili at
makakapili na nang regalo sa Pasko.
Syempre mawawala
ba naman ang mga larong katulad ng color game, bingo at marami pang iba o mas
kilala sa tawag na perya na lubos na kinahihilingan ng mga kalalakihan. Kapag ikaw
ay nanalo makakakuha ka ng ibat’-ibang premyo na hindi mawawala syempre ang
pera. Di lang maaliw, magkakapera pa.
Ngayon malapit na
ang Disyembre siguradong dudumugin na naman ang tianggian. Kaya’t umpisahan
niyo nang mamimili at para dir in maabala. Matatapos ang tiangge pagkalipas ng
bagong taon.
No comments:
Post a Comment