Sunday, January 26, 2014

UMALOHOKAN TP 2013-2014 Pahina 4

Editoryal
Magkaisa sa pagbangon
Nagulantang ang buong bansa ng humagupit ang Bagong Yolanda sa Bisayas na ikinalungkot at ipinagdalamhati ng lahat ngunit ito naman ang naging daan upang magkaisang tulungang bumangon ang nasalanta.
Lubha ngang napakalakas ng bagyo na tumama rito sa bansa na halos lahat ng mga nasalantang lugar ay maubos ang bawat taong naninirahan at wala nang mga imprastrakturang nakatayo. Maraming pamilya ang nawalan ng mahal sa buhay at marami rin ang mga nagkasakit at nagutom.
Ngunit huwag lang sana puro negatibong pangyayari ang isipin, kung nariyan naman ang mga taong handang tumulong upang muling makabangon sa bagsik na naidulot ng bagyo sapagkat marami ang mga nagsumikap na maka-likom ng pera at mga kagamitan na higit na kinakailangan ng mga nasalanta.
Nakatutwang isipin na hindi lang mga kapwa Pilipino ang magpapaabot ng pagdamay. Nariyan ang iba’t-ibang bansa na handang tumulong sa pagbangon ng mga nasalanta, nagbigay sila ng mga malalaking halaga, mga kagamitan upang madaling maitayo ang mga nasirang tahanan at nagpadala rin sila ng mga dalubhasa na makatutulong sa kalusugan ng mga tao sapagkat marami ang nagkaksakit dahil sa kawalan ng mkain at matulugan sa gabi.
Dagdag pa riyan, nakapagpapsarap din ng pakiramdam ang mga batang pilit nagsumikap na makalikom ng pera at kahit ang kanilang mga inipong pera ay binuksan upang may maibigay sa mga nasalanta.
Tunay ngang kahit anong unos ang dumating sa bansa ay malalampasan basta’t mayroong pagkakaisa at mga taong handang makatulong sa kahit anong paraan at sa abot ng kanilang makakaya.

Deretsahan
‘Maryjane,’ lubayan
Ricardo H. Mongmongan Jr.

Laganap na ang paggamit ng damo, weeds, marijuana o maryjane, habang tumatagal pabata ng pabata na nagiging biktima nito kasama na rito ang mga maag-aaral at ginagamit na rin ang mga kabataan sa pagbebenta nito. Tanong ko lang, ano ba ang napapala nila sa paggamit nito? Naisip ba nila na pahalagahan ang kanilang sarili?
Marami ng buhay ang kinuha nito, marami ng pamilya ang winasak nito, at higit sa lahat marami ng indibidwal na nawalan ng magandang kinabukasan dahil dito. Kung tutuusin kasalanan din natin kung bakit nangyayari ang mga bagay na ito, dahil na rin sa alam na natin na bawal ito bakit ipinagpapatuloy pa rin ang paggamit? Marahil may mga bagay na naidudulot ito na nakapagbibigay ng walang katumbas na kasiyahan.
Karamihan sa mga biktima nito ang nagsasabing kakaiba ang naidudulot ng marijuana, kaya nitong gawing umaga ang gabi, kaya rin  nitong isalba sa pagkakagutom, nagdudulot din ito ng pagkamanhid pakiramdam mo isa ka nang superhero. Nagagawa nitong imposibleng bagay at nagdudulot ito ng walang katumbas na kasiyahan.
Matatanggap pa natin kung gagamitin ang marijuana bilang halamang gamot na makapagbibigay lunas sa mga karamdaman at magiging kapakipakinabang sa lipunan. Ngunit kung gagawin na itong bisyo kasuklam-suklam na itong pangyayari at makasisira na ito ng mga inosenteng buhay.
Tayo-tayo rin ang nagiging biktima sa kapabayaan na ating ginagawa, responsibilidad na maging mabuting mamamayan, nasaan na ngayon? Pikit mata tayo sa taing mga nakikita, pilay-pilayan tayo sa ating mga ginagawa at bingi-bingihan tayo sa ating mga naririnig.
Marahil nakasasaksi tayo sa karumaldumal na krimen na ito, ngunit natatakot lang tayong sumangguni sa mga kinauukulan dahil takot tayo malagay ang ating buhay sa kapahamakan at iniisip natin na hindi madaling labasan ang ganitong bagay, kaya’t binabalewala lang natin ang mga pangyayaring ito.
Sapat na ang mga nangyari. Maryjane, lubayan na. Ipagpapalit mo ba ang panandaliang kasiyahan kung panghabang buhay mo naman itong pagsisihan, nasa ating mga kamay ang pagpapasya ng hindi mapabilang sa mga naging biktima, sapagkat walang magandang dulot si maryjane kundi pagkasira ng buhay at kinabukasan lamang.

Mapagmasid
Maling gawi, iwaksi!
Scottie Cerbo
Anu-ano ba ang maling pamamaraan ng mga estudayante? Sa pagtatapos ng 2013, balikan natin ang nagdaang taon. Saan tayo nagkamali at saan tayo nagkulang? Ngayong 2014, hangad ng lahat ng magkakaroon ng magandang gawi sa pag-aaral. Makapagtapos at magkaroon ng masaganang buhay at magandang pamilya.
Pagliban sa klase ang karaniwang problema ng lahat ng mga guro na hindi madaling iwaksi dahil kahit paulit-ulit na silang lumiliban kahit nakataya ang kanilang sariling kinabukasan. Mapalalaki o mapababae man.
Isa pa sa mga problema ng mga guro pati ng mga magulang na mahiligan ng kanilang anak ang pag-iinom ng alak na karaniwang ginagawa ng mga estudyanteng lumiliban sa sari-sarili nilang klase. Nahuhuli man sila, marami pa rin ang nag-iinom kahit nakasuot man ng uniporme ang mga naturang estudyante. Hindi tamang gupit sa buhok ang isa pang problema ng mga guro sa kanilang mga estudyante. Gupit orbit, “square back”, Mohawks ang karaniwang gupit na makikita natin sa mga buhok ng ilang estudyante.
Kalimitan ang pagsusugal ng estudyante ang hindi masyadong napapansin ng mga guro.
Itinataya nila ang sarili nilang mga baon na umaasa na lalago ang kanilang pera na malbong mangyari dahil sa sugal nagsasayang lang tayo ng pera at sa sugal swertehan lang kung manalo.
Kahit alam nila na mapapa-office sila hindi sila natatakot dahil hindi naman mabigat ang parusa na ipapataw sa kanila kaya patuloy pa rin sila sa paglalaro nito na karaniwan at “text money”, “cara cruz”, ikot at marami pang iba.
Tama lang na maging mahigpit ang mga guro para na rin sa mga mag-aaral na lumalagpas na sa tama ang ginagawa.
Sa lahat ng maling gawi na ito madaling nakagawa ng solusyon ang mga guro upang maresolbahan ang mga suliranin tulad nito at magkaroon ang estudyante ng magandang buhay sa hinaharap at hindi matulad sa mga taong naninirahan sa iskwater o sa ilalim ng tulay.

Higit sa lahat, isipin muna natin ang isang bagay bago natin gawin. Isaalang-alang din natin ang lahat na maaring madamay o masaktan. Walang magandang sukli sa atin ang lahat ng maling gawi dahil hatid lamang nito ang pagkasira ng ating hinaharap na tutungo dapat sa pag-unlad ng ating buhay. 

No comments:

Post a Comment