Tuesday, April 27, 2021

Umalohokan TP Hunyo-Nobyembre 2005

Editoryal
Celfon, nakakasira sa kalidad ng edukasyon

                Marami sa kabataan ngayon ang tuliuyan nang nasisira ang paraan ng kanilang pananalita at pagbabaybay ng mga salita maging Ingles o Tagalog man dahil sa limitadong paggamit ng mga letra sa celfon.
                Samu’t sari na ang mga teknolohiyang nagsisilabasan na nagssisilbing kaibigan ng kabataan. Isa na rito ang tinatawag nilang ‘cellphone’ na may iba’t ibang katangian at yunit na talaga naming kinababaliwan ng lahat. May malaki, maliit, mahal maging second hand pa yan taas noong ipinangangalandakan at ipinagmamalaki. Lahat meron, matanda o mapabata man, pabonggahan at pasosyalan, abutin man ng umaga sa pagtetext di patitinag’yan at kahit wala nang makain, ipagpipilitan kay nanay na ibili ng celfon. Siyempre ganyan ang kabataan sa ngayon, sunod sa uso.
                Ang tinatawag na celfon o produkto ng teknolohiya ay nagbibigay ng malaking tulong sa kabataan. Subalit tila nagiging mitsa na ito nang pagbagsak sa kalidad ng edukasyon. Ang kaalamang handog ng mga guro ay unti-unti ng nababalewala at naiiba na rin ang mga salitang ginagamit nila. Mga salitang pinaiikli na di naman talaga katanggap-tanggap sa tamang paraan ng pagbigkas at pagsulat. Dahilan sa paglimot natin sa kultura lalo na sa alpabetong kinamulatan ng ating lahi.
                Ganun pa man, napakalaking epekto nito sa kabataan maging sa susunod na henerasyon dahil sila ang magmamana at magpapasa ng hubad na katotohanan ng mga pinaniniwalaan natin. Isipin na lang ang paraan ng pagte-text ay siya ring paraan ng pananalita natin, hindi tayo uunlad bagkus ito’y magiging daan ng pagkamangmang. Higit  sa lahat, napakalaking porsyento ang magaganap na pagbagsak sa kalidad ng edukasyon.
                Kung ipagpapatuloy pa natin ang ganitong pamamaraan ay mananatili tayong bihag ng sarili nating pagkakamali. Hindi na dapat natin hayaang mauwi pa sa pagsisisi ang lahat. Habang may oras pa ituwid natin ito dahil nasa ating mga kamay ang tunay na pagbabago.

Internet: Virus sa mga mag-aaral
                Laganap ngayon sa lahat ng lugar amg maimpluwensiyang kapangyarihan ng kompyuter sa pamamagitan ng internet kung saan kayang pasukin ng sinuman maging menor de edad.
                Isang magandang produkto ng siyensya ang kompyuter ngunit unti-unti naman nitong kinakain ang oras at panahon ng mga kabataan. Kapansin-pansin ang kahinaan ng ulo ng mga kabataan pagdating sa mga pag-aaral ngunit napakabilis naman sa usapan patungkol sa kompyuter.
                Ito rin ang nagiging daan ng pagpapababa ng moralida ang isang tao dahil nagbibigay ng masamang impluwensya sa kabataan lalo na sa paglalathala ng mga pornograpiya.
                Ang pornograpiya ay pagpapalabas ng mga hubad na pigura ng katawan ng babae  man o lalaki na hindi na dapat napapanood ng mga kabataan. Subalit labis na tumataas din ang antas ng mga sexual harassment at mga di kanais-nais na Gawain na labag sa lipunan.
                Masasabi ngang virus ang internet sa mga kabataan at ito ay marapat lamang na aksyunan ng gobyerno bago pa man maging huli ang lahat. Tandaang kompyuter at kapaki-pakinabang kung gagamitin ito sa tamang paraan.

Pag-usapan Natin
Computer shop, bilyaran, video games: Hadlang sa pag-aaral
Rachelle Peregrino
                Naglipana na ang mga ‘computer shops, bilayaran at video games’ malapit sa paaralan na nagiging hadlang  sa pag-aaral ng mga kabataan. Hindi nab ago sa ating pandinig ang uri ng ganitong sitwasyon lalo na sa iba’t ibang sulok ng paaralan na ngayo’y suliranin ng mga guro’t magulang.
Marami sa mga estudyante ngayon ang tumatakas sa bahay at nagka-cutting sa eskwelahan paralang mapuntahan ang kanilang kinababaliwan. Halos di na papipigil ang mga mag-aaral na gawin ang kanilang nais. Imbes na lapis at papel ang hawak tila nagiging tako, joy sticks at keypads ay ayaw nilang bitawan.
 Napakalaking epekto nito sa kabataan lalo na sa kanilang mga isipan. Pagdating ng pagsusulit wala na silang maisagot tanging ang alam lang nila ay ang kanilang kinahuhumalingan. Ang mga perang ginagasta ay galling sa dugo’t pawis ng kanilang magulang. Hindi man lang nila alintana ang pagpapakahirap ng kanilang mga magulang sa tindi ng sikat ng araw para lamang maibigay ang kanilang pangangailangan at maipagpatuloy ang pag-aaral.
Nagpatupad na ang DepEd ng mga batas upang masugpo ang ganitong suliranin sa pag-aaral ng mga kabataan. Hindi na pinapayagang magbukas pa ang ganitong uri ng negosyo lalo na’t malapit sa paaralan. Oo nga’t malaki ang kinita nila ngunit di nila alam na nakakasira sila ng kinabukasan. Kung tutuusin napakaraming pagkakakitaang iba na mas mainam pa nga at malaking tulong sa kabataan.
Paano natin masasabi na ang kabataan ay pag-asa ng bayan na winika pa sa ‘tin ni Gat. Jose Rizal kung ipagpapatuloy natin ito ay naglalaho ng parang bula. Kalian pa kaya natin ito maisasakatuparan?
Ganun pa man sana’y  maputol na ang hadlang sa pag-aaral. Huwag na rin sanang magmatigas ang mga may-ari ng ganitong negosyo. Hindi masama ang minsa’y magpakasaya ngunit dapat limitado ang lahat ng bagay. Magbago n asana tayo sa ganitong Gawain bagkus ipagpatuloy ang nasimulan.

Balintataw
E-VAT, pasakit sa kabataan
Ricky Tacdol
                Simula sa ngayong Nobyembre, mararanasan na natin ang matinding perwisyong hated ng tinatawag na ‘Expanded Value Tax’ (E-VAT) o ang dagdag singil sa presyo ng mga bilihin.
                Ikinagulat ng lahat ang pagbabagong ito ng mga magulang lalo na ang kanilang anak. Malaking hirap na pasanin ang mararamdaman kung saka-sakaling maipapatupad ito. Ngayon pa nga lang, labis-labis na ang mga gastusin at bayarin. Paano pa kaya kung agarang ito’y mangyari?
                Di naman tumataas ang sahod ng ating mga mga magulang bagkus siya naming patuloy na pagtaas ng mga bilihin. Idagdag pa ang gastusin sa bahay pati na ang pangangailangan ng mga kabataan. Siguradong panibagong sakit sa ulo na naman ang haharapin natin.
                Tayo, bilang kabataan wala pang sapat na kakayahan upang matugunan an gating mga pangangailangan. Tanging ating mga magulang lamang ang siya nating inaasahan lalo na sa mga  bayarin sa eskwelahan. Lumalabas na napakalaking epekto pa rin ito sa kabataan kahit hindi pa handa ang mjra nating isipan sa mga usaping gaya nito. Ito ay magiging isa sa napakalaking hadlang sa pag-abot n gating mithiin.
Isa lamang sa ating mahihinuha ay kung makakakain pa ba tayo ng tatlong beses sa isang araw. Hindi ba’t punto ng E-VAT ay ang mga pangunahing bilihin lalo na ang pagkain. Kung hindi natin maisakatuparan ang pagtugon sa ating mga pangangailangan maaring maapektuhan an gating pag-iisip at maging an gating kilos.
Batid ng lahat na ito’y ipinatupad nang sa gayo’y mabayaran natin ang natitirang utang ng Pilipinas at matustusan ang mga programa ng pamahalaan. Ngunit, talaga nga bang napupunta sa kaban ng bayan o sa bulsa lamang ng mga buwaya sa lipunan na dahilan n gating pagpapakasakit?

Sana nga’y makaisip ng alternatibong paraan an gating pamahalaan ng hindi masyadong mabigat sa ating lahat. Totoo ngang napakalaki ng kontribusyon nito sa ating bansa subalit kailangan din nilang alalahanin ang kalagayan ng mga mahihirap dahil kaakibat nito ay ang kinabukasan ng kabataan. 

No comments:

Post a Comment