Anim na Medalya, hinakot ng
MBNHS
Hinakot ng
Mambugan National High School ang anim na medalya sa nagdaang Division Science
Quest na ginanap sa Mayamot National High School, Set. 27.
Nasungkit muli ni
Janjuai Agoncillo (VIII – Tipulo) ang unang pwesto sa kategoryang Grade Eight
Quiz Bee kasama ang kanyang Tagapagsanay na si G. Fernando Timbal. Pinalad na
makamit ang ikalawang pwesto nina Brite Padernal (III - Dianmond) para sa Third Year Quiz Bee, Bryan
Bueno(VIII – Tipulo) para sa Sci-Dama at
Claudette Cagas (IV – Love) para sa 4th Year Techno-Quiz. Sina Gng.
Mary Ann Manlagnit, G. Fernando Timbal at Gng. Myleen Balingit ang mga tumayong
tagapagsanay.
Nakuha naman ni
Lerra Joyce Tejero (VIII – Tipulo) ang ikaapat na pwesto sa Scrap Making
Contest kasama ang kanyang tagapagsanay na si Bb. Marge Eclar at ikalimang
pweto naman si Janalou Leuterio (VII – Stargazer) Poster Making Contest na
sinanay naman ni Gng. Maribel Javonillo na siya ring Tagapangulo ng Science
Department.
“Natutuwa naman
ako sa performance ng mga bata kaya naman buo ang suporta ko sa kanila.” ito
ang nasabi ni G. Rommel Beltran, punungguro matapos sumama sa mga mag-aaral na
nanalo.
Dalawampu’t isang paaralang sekondarya mula sa pribado at pampubliko
ang lumahok sa nasabing tagisan na may paksang “Science And Technology
Advancement; Enhance Quality of Life Through Invention and Research. (Angelo C. Mirabel)
Cagas nanguna sa Division Talent
Fest ‘13
Nanguna sa
Division Talent Fest ’13 si Caludette Cagas matapos magpamalas ng husay sa
pagbuo ng awitin at pagkanta habang ginugunita ang nasabing paligsahan na
ginanap sa San Jose NHS, Dis.12.
Sinanay siya ni
Gng. Liwaway Dawn De Real, tagapangulo ng Araling Panlipunan at tumulong din si
G. Christian Santos, guro sa MAPEH sa ika-pitong baiting. Itinuro sa kanya ang
istilo kung paano gumawa ng “melody’ at tamang “time signature” at ipinalowanag
din sa kanya ang totoong kahulugan ng “jingle”.
Pinag-aralan niya
ng mabuti ang itinuro ng kanyang tagapayo mula sa paggawa ng sariling kanta,
tono at mensahe nito.
Hindi naman binigo
ni Cagas ang kanyang mga tagapayo at ang mga hurado dahil sa ipinamalas niyang
galing sa pagkanta, kaya naman napabilib niya ang kanyang mga tagapakinig,
kaya’t nasungkit niya ang unang karangalan sa nasabing paligsahan.
“Ako’y natutuwa,
nasisiyahan at nasasabing she deserves it, at first time kasing nakuha ng MBNHS
ang kategoryang iyon.” aniya.
Sa kabilang dako,
nakilahok naman sina Jelly Ann Vega (IV – Peace) sa poster making, Jeaneth
Enriquez (IV – Love) sa Essay Writing at Mary Rose Canchela sa Pop Quiz.
Irerepresenta ni
Cagas ang Division of Antipolo sa darating na Regional Talent festival na
gaganapin sa Nasugbu, Batangas. (Megs
Howard Rayco@Joanne Graniel)
Kampanya para sa kababaihan, isinulong
Isinulong ng
kagawaran ng Araling Panlipunan ang 18th Day Annual Campaign to End
Violence Agaisnt Women (VAW) sa Mambugan National High School, Dis.11.
Inanyayahan bilang
tagapagsalita si Kagawad Emerson Dela Pena na tumalakay sa R.A. 9262 o
Anti-Violence Against Women and their Children Act of 2004.
Binibigyang pansin
ng nasabing batas ang karapatan at proteksyong makukuha ng mga kababaihan at
kanilang mga anak. Natalakay rin ang mga sintomas ng mga battered woman at ang
kaparusahan sa mga lalabag sa batas na ito.
Pinangunahan ito
ni Gng. Liwayway Dawn de Real, tagapangulo ng Araling Panlipunan kasama ang
kanyang mga guro at sinuportahan naman ni G. Rommel Beltran, punungguro.
Dinaluhan ito ng
humigit kumulang na 100 kalahok mula sa mga Guro sa A.P., mga magulang, LGU, at
mga mag-aaral.
Kaugnay rin nito
ay ang pagpapasiklab ng iba’t-ibang baiting at taon para sa ‘Jingle
Competition’ na napagtagumpayan naman ng mga mag-aaral mula sa Ikatlong Taon. (Ronaline Oliveros)
Mga mag-aaral lumahok sa ACALITMUS ART
Lumahok
ang mga mag-aaral sa sinagawang ACALITMUS ART ng English Department sa
pagdiriwang ng English Month, Nob. 19.
Hangarin
ng paligsahan na linangin ang kakayahan at kaalaman ng mga estudyante sa
iba’t-ibang Gawain katulad ng spelling,
grammar, literature, pagsulat ng sanaysay, pagsulat ng tula, pagkanta, storytelling, pag-aarte at
pagtatalumpati.
Hangarin
din ng programang ito ang makalikom ng pondo para sa gastusin sa Press Room.
Sinala ng mga guro sa English ang
mga lalahok na mag-aaral upang kumatawan ng kanilang kinabibilangang taon.
Sinundan ito sa pagsasala sa
paligsahan tulad ng Graphic Illustration at
pagsulat ng sanaysay at tula. Ang iba pang
mga patimpalak ay ang solo singing at duet, Interpretative Dance.
Kaugnay nito ang stage play na
dinerek ni G. Rodney V. Gianan at ilang piling mag-aaral mula sa Ikaapat na
taon.
Suportado naman ito ni Gng. Mary
Grace Morales, Tagapangulo ng English at G. Rommel Beltran, punungguro. (Scottie Cerbo)
“Maga-Maga”
namayani sa 6th Antipolo City Council
Namayani
sa 6th Antipolo City Council Jamborette 2013 ang Maga-Maga ng
Mambugan National High School sa Juan Lorenzo Sumulong III Farm, Brgy, San
Jose, Antipolo City, Dis. 13-15.
Tatlumpu’t dalawang Boyscout mula
sa Grade 7 at 8 ang dumalo kasama ang mga Scouter na sina G. Allan Kervin
Manongdo, G. Eduardo Ranay, G. Wally Batalla, G. Mark Nantes at G. Fernando
Timbal.
Nagsama-sama ang lahat ng Distrito
ng Antipolo upang linangin ang kakayahan ng mga boyscout sa panahon ng sakuna
at kahandaan sa mga pagsubok.
Unang pagsubok ay ang TETRA PACK
RICE COOKING, sa loob ng labing pitong minute dapat makaluto ng kanin sa
pamamagitan ng paggamit ng tetrapack, ditto mahuhubog ang pagtutulungan at
makahanap ng alternatibong bagay para makapagluto.
Ikalawa ang LANDMINE, ditto naman
mahuhubog ang pagtitiwala natin sa kapwa at pakikinig sa opinyon ng kapwa.
Sumunod pa ang ibang pagsubok tulad ng HUMAL LADDER, TEAM WALK MAZE at
ELEVATOR.
Nagkaroon din ng talakayan tungkol
sa mga senyas at mga simbolo na pwedeng gamitin, isang halimbawa ang Morsecode
at ang Wigwag Signaling ay pagwawagayway ng watawat o isang tela upang magbigay
ng mensahe sa isang tao na nasa malayong distansya.
Itinuro din ang mga halaman na
maari ding gamiting gamut katulad ng makahiya na gamut sa pagtatae, beke,
batang lumalaki ang tiyan, masakit ang puson, may hika at panlinis ng atay.
Isa pang halimbawa ang dahon ng
pandan kaya nitong gamutin ang rayuma, sakit sa ulo, sakit ng tainga, sugat,
pampalakas ng puso at atay, pambatang ugat, daloy ng ugat.
Sa
pagtatapos ng Jamborette, nagdaos sila ng awarding, naghakot ng parangal ang
District I-C at nagbunga ng maganda ang mga ginawa ng mga kalahok. Naghahanda
na ang Mambugan para sa Regional Camoing na gaganapin sa Maria Makiling sa
Enero sa susunod na taon. (Eddan Rey B.
Panelo)
No comments:
Post a Comment