Wednesday, November 30, 2005

UMALOHOKAN TP 2005 Pahina 1

Mambugan: Humakot sa ‘academic camp’
Oliver Provido

                Umani ng siyam na parangal ang mga mag-aaral ng Mambugan National High School sa “Academic Camp” na kinabibilangan ng mga akademikong MAPEH, ENGLISH, MATH at TLE., San Jose National High School, Okt.7.
                Mula sa akademikong Ingles, nagkamit ng unang pwesto sina Alissa Marie Turingan (III-1) sa “Quiz Bee” at Ellesheebee Nicoleen Ago (II-1) sa nasabi ring kompetisyon. Pumangalawa naman ang grupo nina Oliver Provido (IV-1), Bennie OStonal (III-1), Girlyn Leona (II-5) at Ariel Alborte (I-1) ang unang pwesto sa “Quiz Bee” ng MAPEH at gayon din ang pagkapanalo ni Gemisse Abuda (II-1) sa ikatlong pwesto.
                Dahil sa pagkakaroon ng hindi malinaw na direksyon ukol sa kompetisyong “Techno Challenge”, ipinasya na gawin ito sa Bagong Nayon I Elementary School, Okt. 11.
                Sa pagkakataong iyon, napanalunan ni Bennie Ostonal (III-1) ang unang pwesto sa Drafting “Techno Challenge” at kasabay nito ang pagiging pangatlo ni Samuel Capoquian sa Project Planning ng TLE.
                Ilan pa sa mga mag-aaral ng Mambugan na nagkamit ng pwesto, sina Denise Mennie Berida (IV-1) pangpitong pwesto sa “Quiz Bee” ng English at Raphael Toralballa pang-anim na pwesto sa “Extemporaneous Speech”.
                Labis ang tuwang naramdaman ng mga nagwaging mag-aaral ng Mambugan, kasama ang kanilang mga gurong tagagabay na sina Mrs. Gemma Cruz (TLE), Mrs. Mary Grace Morales (English), Mrs. Rachel Abejero (MAPEH) at Mrs. Corazon Oliva (Mathematics). Determinasyon at pagkakaisa ang nagtulak sa kanila para sa tagumpay. Sabi nga ng iba “Ang sarap manalo at mabigyan ng parangal, lalo na ang mga kasiyahan na nadarama ng aming coaches.”
                Nagkamit ng medalya at sertipiko ang mga nagwagi sa iba’t-ibang patimpalak.
                Sa kabilang banda,  nagkamit naman ng unang pwesto sina Orlando Claveria (IV-1), Lyka Ellao (III-1), Hermie Perez (II-1) sa kategoryang Qiuz bee at panglima si Ma. Carina Oliva sa Poster Making sa Values Education, Okt. 21.
                Naglabanan ang 13 paaralan para maging kampyon. Bawat isang grupo ay binubuo ng tatlong mag-aaral. Bawat koponan ay kabado sa kanilang isasagot at di malaman kung magkakaiba sila.
                58 ang kabuuang iskor ng Mambugan na nagbigay sa kanilang tagumpay. Sabi nila “Kabado kami sa lahat ng sagot namin, pero masaya kami dahil nanalo pa rin kami at naalala naming ang pagsisikap na ginawa naming ang pagsisikap na ginawa ng aming mga tagagabay na si Gng.  Margarita Padullo.”
                Ilan pa sa mga nagkamit ng iba’t-ibang pwesto ay sina Oliver Provido (IV-1) pang-anim na pwesto, Eliza Quintiao (III-1) ikapitong pwesto, Gerard Mencide (II-1) pang-anim na pwesto at Mhelbie Pescasio (I-1) ikawalong pwesto sa Quiz Bee ng Araling Panlipunan.
                Hindi naman nalungkot ang mga mag-aaral na di nananalo dahil sa sinabi ni Dr. Adelina M. Cruzada, Punungguro, na ‘okay lang daw iyon, at least, ginawa nila ang best nila.’
                Ang mga mag-aaral na tumuntong ng unang pwesto ang lumahok sa Panrehiyong kompetisyon na ginanap sa San Pablo City, Nob. 7.

Division School Press Conference
Tacdol, nag-uwi ng unang pwesto
Katrina Yermo
Tacdol, nag-uwi ng unang pwesto si Ricky Tacdol ng Mambugan National High School sa pagsulat ng isports sa ginanap na Division School Press Conference sa Juan Sumulong Elementary School (JSES), Set. 23-25.
Nakuha rin niya ang ikapitong pwesto sa pagsulat ng editoryal. Kasabay nito napanalunan ng Umalohokan ang unang pwesto sa kategoryang Script Writing and Radio Broadcasting na binubuo nina Oliver Provido (IV-1), Ma. Carina Oliva (IV-1), Ricky Tacdol (IV-1), Rachelle Peregrino (IV-1) at Katrina Yermo (III-1).
Sa “The Stentor”, nakuha ni Orlando Claveria (IV-1) ang ikasampung pwesto sa pagsulat ng editoryal. Sina Krishia Lyn Torres (III-1) ikapitong pwesto at ikasampung pwesto Alissa Marie  Turingan (III-1) sa pagsulat ng sports.
Ang mga naimbitahang mga tagapagsalita ay sina G. Jojo Mejia, dating kolumnista sa People’s Tonight; Prop. Wilfredo Reyes, isang propesor sa Lyceum of the Phil. At si G. Serge Untuca batikang School Paper Adviser.
Ang bawat limang paaralang nagwagi sa iba’t-ibang kategorya ang siyang magiging kalahok sa Regional Press Conference sa darating na Enero.

Peregrino, pumangalawa sa ‘Project Proposal’
Oliver Provido

                Nakamit ni Rachelle Peregrino (IV-1) ng Mambugan National High School (MNHS) ang ikalawang pwesto para sa kategoryang “Project Proposal” sa naganap na Division STEP Skills Competition, sa Antipolo National High School (ANHS), Okt.1.
                Ang paksa ng kompetisyon ay “STEP: Sustaining Productivity & Competitiveness in Support of the School First Initiative.”
                “Layer Production” naman ang pamagat ng proposal ni Peregrino. Sabi niya,  “mahirap pala ang gumawa ng project proposal. Pressure sa oras, pero masarap sa pakiramdam ang manalo kahit pangalawa lang at hindi ko ito makakamit ng walang tulong ng aking coach na si Mr. Nelson Raro.”
                Ang “Layer Production” na isinagawa ni Peregrino ay naglalayong makatulong sa mga mamamayan ng Antipolo bilang hanapbuhay. Hindi ito nangangailangan ng malaking puhunan subalit tiyak na kakikitaan.
                Mahigpit ang naging labanan ni Peregrino kay Ibanez na lumamang lamang ng isang puntos. Gayon pa man naipamalas pa rin ni Peregrino ang kanyang kagalingan bilang pangalawa sa “Project Proposal”.
                Ikinatuwa ito ng tagagabay na si G. Nelson raro. Wika niya nga “Gawin mo lang lahat ng iyong makakaya, Diyos ang iyong sandigan.”
                Nagkamit si Peregrino ng sertipikasyon ng pagkakapanalo. Si Dr. Corazon Laserna, Punungguro ng ANHS ang naggawad sa kanya.

                Maraming dumalo sa kompetisyon na mga mag-aaral na nagmula sa iba’t-ibang pampublikong paaralan sa sekondarya. Kabilang sa mga nagwagi ay sina Jimmy Panes (IV-1) at Ma. Eliza Quintano (III-1) ikatlong pwesto sa kategoryang “Project Proposal”. 

No comments:

Post a Comment