Mambugan, bumida sa Division
Festival of Talents
Bumida ang mahuhusay na mag-aaral ng Mambugan National
High School sa ginanap na Division Festival of Talents sa Antipolo National
Hign School, Nob. 22.
Nagwagi si Shinna Estipona (III – Sapphire) ng
ikalawang pwesto sa kategoryang Nail Art with Hand Massage sa tulong ng kanyang
Gurong Tagapagsanay na si G. Jane Delano Estipona.
Pinalad na masungkit ni Zarrah Lhyn Espinas (VII –
Tipulo) ang ikalawang pwesto matapos mapahanga ang mga hurado sa kanyang
Special Dish Tilapia sa kategoryang Experimental Fish Dish.
“Masaya ako para kay Zarah. Sa tingin ko ay nasunod
naman niya ang mga tinuro ko sa kanya.” pagmamalaki ni Gng. Gemma Cruz
tagapagsanay nito.
Samantala nakamit naman ni Thomas Nicole Reamico (IV –
Hope) ang ikalawang pwesto sa PC Assembly with Configuration and Networking
kasama si G. Patt Caadan na tumayong Tagapagsanay.
Habang nakamit naman ni Xandra Fae Subiera (IV – Love)
ang ikaapat na pwesto sa Web Page Designing kasama ang kanyang Tagapagsanay na
si Gng. Khristine Ramoya.
Buo naman ang suporta ni G. Rommel S. Beltran,
Punungguro. Ayon sa kanya, masaya siya sa nagging resulta ng mga nanalo at
umaasa rin siya na marami pang makuhang pwesto ang paaralan.
Wala ring mapagsidlan ang saya na naramdaman ng
Tagapangulo ng TLE Department na si Gng. Margaret Velasco. (Ricardo H. Mongmongan Jr.)
2 guro, 4 bata pasok sa RSPC
Pasok sa Regional
Press School Conference 2013 (RSPC) ang dalawang tagapayo ng opisyal na
pahayagan ng Filipino at English na sina G. Laurence Alvin Ferrer at Bb. Morena
Dela Cruz at apat na manunulat matapos makakuha ng pwesto sa ginanap na
Division School Press Conference, Okt.
16-18.
Mula sa
Umalohokan, nakuha ni Ricardo Mongmongan Jr. (IV – Love) ang ikalimang pwesto
sa pinakabagong kategorya na Pagsulat ng Balitang Agham at nasa ika-13 pwesto
si Megs Howard Rayco (IV – Love) sa Editorial Kartun.
Nasungkit naman ni
Claudette Cagas (IV-Love) ang ika-anim na pwesto sa Pagsulat ngt Agham at
ikapito naman si Judy Ann Flaviano (IV- Love) mula sa The Stentor.
Naiuwi naman ni
Chelsea Diate (IV-Hope ang ikawalong pwesto sa Photojournalism at sa Sports
Writing, pumwesto si Christian Gallardo (IV – Love) sa ika-13 gayundin si Hedie
Cornelio (IV-Love) Editorial Cartooning.
Tumatayo ring
Gurong Tagapayo si Gng. Marvilyn Mixto para sa Umalohokan. Pinangunahan ni Gng.
Cristina C. Salazar at G. Reynaldo Andrade Jr. ang nasabing komprehensiya.
Sina Mongmongan,
Cagas, Diate at Gallardo ay kasama sa mga kinatawan ng Dibisyon ng Antipolo City
sa darating na ika-26 hanggang ika-31 ng Enero sa Cavite. (Megs Howard Rayco/Ricardo Mongmongan Jr.)
No comments:
Post a Comment