Mambugan: Humakot sa ‘academic
camp’
Oliver Provido
Umani ng siyam na
parangal ang mga mag-aaral ng Mambugan National High School sa “Academic Camp”
na kinabibilangan ng mga akademikong MAPEH, ENGLISH, MATH at TLE., San Jose
National High School, Okt.7.
Mula sa
akademikong Ingles, nagkamit ng unang pwesto sina Alissa Marie Turingan (III-1)
sa “Quiz Bee” at Ellesheebee Nicoleen Ago (II-1) sa nasabi ring kompetisyon.
Pumangalawa naman ang grupo nina Oliver Provido (IV-1), Bennie OStonal (III-1),
Girlyn Leona (II-5) at Ariel Alborte (I-1) ang unang pwesto sa “Quiz Bee” ng
MAPEH at gayon din ang pagkapanalo ni Gemisse Abuda (II-1) sa ikatlong pwesto.
Dahil sa
pagkakaroon ng hindi malinaw na direksyon ukol sa kompetisyong “Techno
Challenge”, ipinasya na gawin ito sa Bagong Nayon I Elementary School, Okt. 11.
Sa pagkakataong
iyon, napanalunan ni Bennie Ostonal (III-1) ang unang pwesto sa Drafting
“Techno Challenge” at kasabay nito ang pagiging pangatlo ni Samuel Capoquian sa
Project Planning ng TLE.
Ilan pa sa mga
mag-aaral ng Mambugan na nagkamit ng pwesto, sina Denise Mennie Berida (IV-1)
pangpitong pwesto sa “Quiz Bee” ng English at Raphael Toralballa pang-anim na
pwesto sa “Extemporaneous Speech”.
Labis ang tuwang
naramdaman ng mga nagwaging mag-aaral ng Mambugan, kasama ang kanilang mga
gurong tagagabay na sina Mrs. Gemma Cruz (TLE), Mrs. Mary Grace Morales
(English), Mrs. Rachel Abejero (MAPEH) at Mrs. Corazon Oliva (Mathematics).
Determinasyon at pagkakaisa ang nagtulak sa kanila para sa tagumpay. Sabi nga
ng iba “Ang sarap manalo at mabigyan ng parangal, lalo na ang mga kasiyahan na
nadarama ng aming coaches.”
Nagkamit ng
medalya at sertipiko ang mga nagwagi sa iba’t-ibang patimpalak.
Sa kabilang
banda, nagkamit naman ng unang pwesto
sina Orlando Claveria (IV-1), Lyka Ellao (III-1), Hermie Perez (II-1) sa
kategoryang Qiuz bee at panglima si Ma. Carina Oliva sa Poster Making sa Values
Education, Okt. 21.
Naglabanan ang 13
paaralan para maging kampyon. Bawat isang grupo ay binubuo ng tatlong
mag-aaral. Bawat koponan ay kabado sa kanilang isasagot at di malaman kung
magkakaiba sila.
58 ang kabuuang iskor
ng Mambugan na nagbigay sa kanilang tagumpay. Sabi nila “Kabado kami sa lahat
ng sagot namin, pero masaya kami dahil nanalo pa rin kami at naalala naming ang
pagsisikap na ginawa naming ang pagsisikap na ginawa ng aming mga tagagabay na
si Gng. Margarita Padullo.”
Ilan pa sa mga
nagkamit ng iba’t-ibang pwesto ay sina Oliver Provido (IV-1) pang-anim na
pwesto, Eliza Quintiao (III-1) ikapitong pwesto, Gerard Mencide (II-1)
pang-anim na pwesto at Mhelbie Pescasio (I-1) ikawalong pwesto sa Quiz Bee ng
Araling Panlipunan.
Hindi naman
nalungkot ang mga mag-aaral na di nananalo dahil sa sinabi ni Dr. Adelina M.
Cruzada, Punungguro, na ‘okay lang daw iyon, at least, ginawa nila ang best
nila.’
Ang mga mag-aaral
na tumuntong ng unang pwesto ang lumahok sa Panrehiyong kompetisyon na ginanap
sa San Pablo City, Nob. 7.
Division School Press
Conference
Tacdol, nag-uwi ng unang pwesto
Katrina Yermo
Tacdol, nag-uwi ng unang pwesto si Ricky Tacdol ng
Mambugan National High School sa pagsulat ng isports sa ginanap na Division
School Press Conference sa Juan Sumulong Elementary School (JSES), Set. 23-25.
Nakuha rin niya ang ikapitong pwesto sa pagsulat ng
editoryal. Kasabay nito napanalunan ng Umalohokan ang unang pwesto sa
kategoryang Script Writing and Radio Broadcasting na binubuo nina Oliver
Provido (IV-1), Ma. Carina Oliva (IV-1), Ricky Tacdol (IV-1), Rachelle
Peregrino (IV-1) at Katrina Yermo (III-1).
Sa “The Stentor”, nakuha ni Orlando Claveria (IV-1)
ang ikasampung pwesto sa pagsulat ng editoryal. Sina Krishia Lyn Torres (III-1)
ikapitong pwesto at ikasampung pwesto Alissa Marie Turingan (III-1) sa pagsulat ng sports.
Ang mga naimbitahang mga tagapagsalita ay sina G.
Jojo Mejia, dating kolumnista sa People’s Tonight; Prop. Wilfredo Reyes, isang
propesor sa Lyceum of the Phil. At si G. Serge Untuca batikang School Paper
Adviser.
Ang bawat limang paaralang nagwagi sa iba’t-ibang kategorya
ang siyang magiging kalahok sa Regional Press Conference sa darating na Enero.
Peregrino, pumangalawa sa
‘Project Proposal’
Oliver Provido
Nakamit ni
Rachelle Peregrino (IV-1) ng Mambugan National High School (MNHS) ang ikalawang
pwesto para sa kategoryang “Project Proposal” sa naganap na Division STEP
Skills Competition, sa Antipolo National High School (ANHS), Okt.1.
Ang paksa ng
kompetisyon ay “STEP: Sustaining Productivity & Competitiveness in Support
of the School First Initiative.”
“Layer Production”
naman ang pamagat ng proposal ni Peregrino. Sabi niya, “mahirap pala ang gumawa ng project proposal.
Pressure sa oras, pero masarap sa pakiramdam ang manalo kahit pangalawa lang at
hindi ko ito makakamit ng walang tulong ng aking coach na si Mr. Nelson Raro.”
Ang “Layer
Production” na isinagawa ni Peregrino ay naglalayong makatulong sa mga
mamamayan ng Antipolo bilang hanapbuhay. Hindi ito nangangailangan ng malaking
puhunan subalit tiyak na kakikitaan.
Mahigpit ang
naging labanan ni Peregrino kay Ibanez na lumamang lamang ng isang puntos. Gayon
pa man naipamalas pa rin ni Peregrino ang kanyang kagalingan bilang pangalawa
sa “Project Proposal”.
Ikinatuwa ito ng
tagagabay na si G. Nelson raro. Wika niya nga “Gawin mo lang lahat ng iyong
makakaya, Diyos ang iyong sandigan.”
Nagkamit si
Peregrino ng sertipikasyon ng pagkakapanalo. Si Dr. Corazon Laserna, Punungguro
ng ANHS ang naggawad sa kanya.
Maraming dumalo
sa kompetisyon na mga mag-aaral na nagmula sa iba’t-ibang pampublikong paaralan
sa sekondarya. Kabilang sa mga nagwagi ay sina Jimmy Panes (IV-1) at Ma. Eliza
Quintano (III-1) ikatlong pwesto sa kategoryang “Project Proposal”.