Wednesday, November 30, 2005

UMALOHOKAN TP 2005 Pahina 1

Mambugan: Humakot sa ‘academic camp’
Oliver Provido

                Umani ng siyam na parangal ang mga mag-aaral ng Mambugan National High School sa “Academic Camp” na kinabibilangan ng mga akademikong MAPEH, ENGLISH, MATH at TLE., San Jose National High School, Okt.7.
                Mula sa akademikong Ingles, nagkamit ng unang pwesto sina Alissa Marie Turingan (III-1) sa “Quiz Bee” at Ellesheebee Nicoleen Ago (II-1) sa nasabi ring kompetisyon. Pumangalawa naman ang grupo nina Oliver Provido (IV-1), Bennie OStonal (III-1), Girlyn Leona (II-5) at Ariel Alborte (I-1) ang unang pwesto sa “Quiz Bee” ng MAPEH at gayon din ang pagkapanalo ni Gemisse Abuda (II-1) sa ikatlong pwesto.
                Dahil sa pagkakaroon ng hindi malinaw na direksyon ukol sa kompetisyong “Techno Challenge”, ipinasya na gawin ito sa Bagong Nayon I Elementary School, Okt. 11.
                Sa pagkakataong iyon, napanalunan ni Bennie Ostonal (III-1) ang unang pwesto sa Drafting “Techno Challenge” at kasabay nito ang pagiging pangatlo ni Samuel Capoquian sa Project Planning ng TLE.
                Ilan pa sa mga mag-aaral ng Mambugan na nagkamit ng pwesto, sina Denise Mennie Berida (IV-1) pangpitong pwesto sa “Quiz Bee” ng English at Raphael Toralballa pang-anim na pwesto sa “Extemporaneous Speech”.
                Labis ang tuwang naramdaman ng mga nagwaging mag-aaral ng Mambugan, kasama ang kanilang mga gurong tagagabay na sina Mrs. Gemma Cruz (TLE), Mrs. Mary Grace Morales (English), Mrs. Rachel Abejero (MAPEH) at Mrs. Corazon Oliva (Mathematics). Determinasyon at pagkakaisa ang nagtulak sa kanila para sa tagumpay. Sabi nga ng iba “Ang sarap manalo at mabigyan ng parangal, lalo na ang mga kasiyahan na nadarama ng aming coaches.”
                Nagkamit ng medalya at sertipiko ang mga nagwagi sa iba’t-ibang patimpalak.
                Sa kabilang banda,  nagkamit naman ng unang pwesto sina Orlando Claveria (IV-1), Lyka Ellao (III-1), Hermie Perez (II-1) sa kategoryang Qiuz bee at panglima si Ma. Carina Oliva sa Poster Making sa Values Education, Okt. 21.
                Naglabanan ang 13 paaralan para maging kampyon. Bawat isang grupo ay binubuo ng tatlong mag-aaral. Bawat koponan ay kabado sa kanilang isasagot at di malaman kung magkakaiba sila.
                58 ang kabuuang iskor ng Mambugan na nagbigay sa kanilang tagumpay. Sabi nila “Kabado kami sa lahat ng sagot namin, pero masaya kami dahil nanalo pa rin kami at naalala naming ang pagsisikap na ginawa naming ang pagsisikap na ginawa ng aming mga tagagabay na si Gng.  Margarita Padullo.”
                Ilan pa sa mga nagkamit ng iba’t-ibang pwesto ay sina Oliver Provido (IV-1) pang-anim na pwesto, Eliza Quintiao (III-1) ikapitong pwesto, Gerard Mencide (II-1) pang-anim na pwesto at Mhelbie Pescasio (I-1) ikawalong pwesto sa Quiz Bee ng Araling Panlipunan.
                Hindi naman nalungkot ang mga mag-aaral na di nananalo dahil sa sinabi ni Dr. Adelina M. Cruzada, Punungguro, na ‘okay lang daw iyon, at least, ginawa nila ang best nila.’
                Ang mga mag-aaral na tumuntong ng unang pwesto ang lumahok sa Panrehiyong kompetisyon na ginanap sa San Pablo City, Nob. 7.

Division School Press Conference
Tacdol, nag-uwi ng unang pwesto
Katrina Yermo
Tacdol, nag-uwi ng unang pwesto si Ricky Tacdol ng Mambugan National High School sa pagsulat ng isports sa ginanap na Division School Press Conference sa Juan Sumulong Elementary School (JSES), Set. 23-25.
Nakuha rin niya ang ikapitong pwesto sa pagsulat ng editoryal. Kasabay nito napanalunan ng Umalohokan ang unang pwesto sa kategoryang Script Writing and Radio Broadcasting na binubuo nina Oliver Provido (IV-1), Ma. Carina Oliva (IV-1), Ricky Tacdol (IV-1), Rachelle Peregrino (IV-1) at Katrina Yermo (III-1).
Sa “The Stentor”, nakuha ni Orlando Claveria (IV-1) ang ikasampung pwesto sa pagsulat ng editoryal. Sina Krishia Lyn Torres (III-1) ikapitong pwesto at ikasampung pwesto Alissa Marie  Turingan (III-1) sa pagsulat ng sports.
Ang mga naimbitahang mga tagapagsalita ay sina G. Jojo Mejia, dating kolumnista sa People’s Tonight; Prop. Wilfredo Reyes, isang propesor sa Lyceum of the Phil. At si G. Serge Untuca batikang School Paper Adviser.
Ang bawat limang paaralang nagwagi sa iba’t-ibang kategorya ang siyang magiging kalahok sa Regional Press Conference sa darating na Enero.

Peregrino, pumangalawa sa ‘Project Proposal’
Oliver Provido

                Nakamit ni Rachelle Peregrino (IV-1) ng Mambugan National High School (MNHS) ang ikalawang pwesto para sa kategoryang “Project Proposal” sa naganap na Division STEP Skills Competition, sa Antipolo National High School (ANHS), Okt.1.
                Ang paksa ng kompetisyon ay “STEP: Sustaining Productivity & Competitiveness in Support of the School First Initiative.”
                “Layer Production” naman ang pamagat ng proposal ni Peregrino. Sabi niya,  “mahirap pala ang gumawa ng project proposal. Pressure sa oras, pero masarap sa pakiramdam ang manalo kahit pangalawa lang at hindi ko ito makakamit ng walang tulong ng aking coach na si Mr. Nelson Raro.”
                Ang “Layer Production” na isinagawa ni Peregrino ay naglalayong makatulong sa mga mamamayan ng Antipolo bilang hanapbuhay. Hindi ito nangangailangan ng malaking puhunan subalit tiyak na kakikitaan.
                Mahigpit ang naging labanan ni Peregrino kay Ibanez na lumamang lamang ng isang puntos. Gayon pa man naipamalas pa rin ni Peregrino ang kanyang kagalingan bilang pangalawa sa “Project Proposal”.
                Ikinatuwa ito ng tagagabay na si G. Nelson raro. Wika niya nga “Gawin mo lang lahat ng iyong makakaya, Diyos ang iyong sandigan.”
                Nagkamit si Peregrino ng sertipikasyon ng pagkakapanalo. Si Dr. Corazon Laserna, Punungguro ng ANHS ang naggawad sa kanya.

                Maraming dumalo sa kompetisyon na mga mag-aaral na nagmula sa iba’t-ibang pampublikong paaralan sa sekondarya. Kabilang sa mga nagwagi ay sina Jimmy Panes (IV-1) at Ma. Eliza Quintano (III-1) ikatlong pwesto sa kategoryang “Project Proposal”. 

Friday, November 25, 2005

Umalohokan TP Hulyo-Nobyembre 2005

Buwan ng Wika, ipinamalas sa eksibit
Ricky Tacdol

                Ipinamalas ng mga guro sa Filipino ng Mambugan National High School ang pagkakakilanlan ng mga Pilipino sa pamamagitan ng eksibit, Agosto 19.
                Naglalaman ito ng mga sinaunang kagamitan ng mga Pilipino, mga portfolio ng mga bayani, mga pambansang kasuotan at sinaunang alpabeto ng mga Pilipino; ang Alibata.
                Umakma ang tema ng Buwan ng Wika sa makikita sa loob ng eksibit kasabay pa nito ang pagpapatugtog ng mga sinaunang awitin at makabayan.
                Ang tema ng nasabing buwan ay “Wikang Pilipino Simbolo ng Kultura at Lahing Pilipino.” Pinangunahan ni Gng. Aida Carambas (Tagapangulo ng Kagawaran ng Filipino) ang nasabing eksibit kasama ang kanyang miyembro.
                Kaalinsunod nito ang panapos na palatuntunan kalakip ang iba’t-ibang kompetisyon na isinagawa dakong hapon , Agosto 27.
                Naging maayos at makulay ang takbo ng paligsahan habang tumatak naman sa isipan ng mga mag-aaral an gating wikang ipinaglaban pa n gating mga bayani.
                Pinangaralan ang mga batang nagkamit ng unang pwesto. Pinagbidahan ng ikaapat na taon ang pag-awit ng maramihan at pagsayaw ng katutubo. Samantalang nakuha naman ng ikatlong taon ang pagsayaw ng may interpretasyon.
                Napanalunan naman nina Carina Oliva (IV-1) ang paggawa ng sloga, Bennie Ostonal (III-1) para sa paglikha ng tula, Jovelyn Sadulang (IV-1) sa paglikha ng sanaysay at Eliza Quintano (III-1) naman ang nakakuha ng unang pwesto para sa pag-awit ng isahan.
Paligsahan, isinagawa sa Buwan ng Nutrisyon
Crystal Jane Comot at Ricky Tacdol

                Iba’t-ibang paligsahan ang isinagawa sa buwan ng  nutrisyon, na ginanap sa Mambugan National High School, Hulyo 15.
                Layunin ng palatuntunan na ito na ipaalam sa kabataan ang halaga ng wastong nutrisyon. Kalinsunod sa tema na “Ang Batang may Kinabukasan, sa Wastong Nutrisyon Simulan.”
                Sinimulan ang iba’t-ibang kompetisyon sa dakong alas-4:00 ng hapon. Pinangunahan ito ni Gng. Margaret B. Velasco (TLE Coordinator) Naging makulay ang araw na iyon lalo na nang magpakitang gilas ang mga mag-aaral para sa “Jingle Making Contest.” Iba’t-ibang antas ng Mambugan ang nakilahok, kasama na rito ang mga SENIORS sa pangunguna ni Roxanne P. Paraiso (IV-1) na nagkamit ng unang pwesto.
                Samantala, pumapangalawa naman ang mga JUNIORS sa pangunguna ni Alissa R. Turingan (III-1). Ngunit hindi rin naman umuwi na talunan ang mga SOPHOMORES sa pangunguna ni Ana Melissa Zausa (II-1) dahil sila ang nakakuha ng ikatlong pwesto. Samantala, si Neptalie Aunzo na isa ring III-1 ang nagkamit ng unang pwesto para sa “Poster and Slogan Making Contest,” pumangalawa sa kanya si Carina Oliva (IV-1).
                Kasabay din nito ang pagbibigay pugay sa bagong Department of Health (DOH) Secretary na si Francisco T. Duque III.
                Ang mga nagsipagwagi ang naging kinatawan sa Division Contest na ginanap naman sa Lores Elementary School, Hulyo 23.

Mambugan naglunsad ng ‘Iwas Dengue Drive’
Mary Jane Pataueg

                Naglunsad ng isang ‘Iwas Dengue Drive’ ang General Parents and Teachers Association Officers (GPTAO) na ginanap sa Mambugan National High School, Set. 3.
                Layunin nitong mabigyang impormasyon ang mga magulang at mag-aaral upang maiwasan ang paglaganap ng sakit na ito. Tinalakay ni G. Wilfredo Leyva, kinatawan ng City Health Office ang ibat-ibang kaalaman tungkol ditto. Binigyang pansin ang Dengue H-fever; mga palatandaan at sintomas at kung paano maiiwasan ang pagkakaroon nito. Namahagi rin ng leaflets/pumplets si Dr. Adelina Cruzada (Punungguro)
                Kasabay nito tinalakay ni Dr. Cruzada ang pagpapatayo ng Mid-Shift Building sa Siruna. Nakiusap ang GPTA Officer na sina Gng. Prima Ellao (Vice President) at Gng. Caridad Crispino (President), na makiisa ang mga magulang sa nasabing proyekto.

7 bata, 2 guro dumalo sa pagsasanay sa pamamahayag
Rachelle Peregrino

Dumalo ang pitong mag-aaral at dalawang guro ng mambugan National High School sa “Division Training of School Paper Advisers and Campus Journalists” na isinasagawa ng Dep Ed. Antipolo sa ACG Building ng Antipolo National High School, Agosto 19-21.
Isa sa layunin ng Dep Ed. na mahasa ang mga estudyante sa pagsulat ng mga balita. Dinaluhan naman nina Mr. Serge Ontuca, Prof. Willy Reyes, Mrs. Edna Agustin at Mr. Jojo Mejia bilang tagapagsalita ng tatlong araw na pagsasanay sa paggawa ng diyaro.
Nagbigay ng ilang pahayag ang mga tagapagsalita kung paano maging bihasa sa angkop nilang kategorya. Nagkaroon din ng palihan na pagsasanay ang mga mag-aaral. Bilang pagtatapos ng programa, pinuna at pinarangalan ang mga gawa ng mag-aaral sa iba’t-ibang paaralan.
Pinangunahan ni Gng. Edna Agustin (English Division Coordinator) ang nasabing palatuntunang ito. Masasabing matagumpay ang pagsasanay dahilan sa maraming natututunan ang mga mag-aaral. Maari nila itong maging gabay sa nalalapit na Division School Press Conference (DSPC) na gaganapin sa Set. 23-25.

100 upuan tinanggap ng Mambugan
Crystal Jane F. Comot

                Tinugunan ni Mayor Angelito C. Gatlabayan ang kahilingang mga upuan ng Mambugan National High School para sa kanilang pag-aaral, Okt.10.
                Sa tulong ng Citizen Patrol naging maaga ang pamamahagi nito. Sa pamamagitan ng text ng isang mag-aaral ng Mambugan na si Mhelbie Pescasio (I-1), naaksyunan ang problema ng mga mag-aaral sa upuan.
                Tumulong ang ilang resident eng Mambugan nang sa gayun maisaayos kaagad ang mga upuan. Nakipagtulungan din ang mga guro’t mag-aaral sa pagpapabilis nito. Naging masaya ang mga mag-aaral dahil hindi na sila mahihirapan sa pag-aaral.
                Masasabing matagumpay ang pagtupad ng kanilang kahilingan dahil natamasa nila ngayon ang kanilang kahilingan. Hindi na sila nagsiksikan sa iisang upuan lamang at wala na ring nakaupo sa sahig. Malaking pasasalamat ang naging tugon ng mga mag-aaral ng Mambugan sa pagbibigay pansin sa kanilang hiling.

158 dumalo sa Regional Jamborette
Ricky Tacdol

                Umabot sa 158 na mga skawt ang dumalo sa isinagawang 7th Southern tagalong Regional Jamborette na ginanap sa Mt. Makiling UP Los Banos Laguna, Okt. 13-16.
                Layunin nitong mabigyan ng sapat na kaalaman ang mga estudyante upang maging handa sa trahedya o sakunang mangyayari. Sinasabing ang programa na may temang “A Program of Today’s Youth for a Better Tomorrow” ang kumukumpormeng kabataan para sa kinabukasan.
                Kasama ang mag-aaral ng Mambugan National High School na sina Glibert Tuyay (IV-1), Eric Camero (I-1), William Betonio (I-1), Rey Isaaac Navarro (II-1) at Jimmy Panes (IV-1) na naguna sa ilang paligsahan at kanila naming pinagbidahan. Ipinamalas rin nila ang pagiging maparaan, mapagbigay at pagiging matulungin na kailangang taglayin ng isang tunay na iskawt.
                Umabot naman sa 158 ang mga iskawt na bumubuo sa programa mula sa tulong ni Mr. Nino Pantoja (Scout Master)  at Mr. Joebert Cagnayo (Asst. Scout Master) ay naging maayos at komportable naman ang lahat.
                Bilang pagbubukas, nagkaroon ng ilang pagsubok ang mga estudyante tulad ng Adventure’s Hike, Challenges Valley, (Obstacle Course), Emergency Preparation at Palo Sebo na talaga naming pinaghandaan ng lahat. Napagod ang bawat iskawt ngunit sa kabila nito ay naging masaya pa rin sila dahil maari nila itong baunin bilang magagandang alaala sa kanilang karanasan.
                Pagsapit ng gabi nagiging makulay ang kapaligiran dahil sumisiklab na Grand Campfire sa Grand Arena na pinangungunahan ng mga Eagle Scout.
                Kabilang ang Mambugan sa Antipolo Rizal na parte naman ng CALABARZON IV-A na humakot ng ilang parangal.

Balitang lathalain
Tiangge, perya binuksan sa Ynares
Donnalyn Pacete, Mary Rose Bedrijo at Khecelyn Balmaceda

                Labis na kinawiwilihan ng mga tao ang tinayong tiangge sa bakuran ng Ynares Center na pinasimulan nang asawa ni Gov. Casimiro “Ito”Ynares na si Nini Ynares tuwing Setyembre.
                Ipinagdiwang ni Gng. Ynares ang kanyang kaarawan kasabay din nito ang pag-uumpisang mabuksan an gang tiangge. Sa katunayan, nagkakaroon lamang ng tiangge tuwing papalapit na ang piyesta ng Antipolo ngunit tinaun-taon na ito. Tatlong taon na itong matagumpay na naisasagawa.
                Nakakaingganyo ngang talaga ang pumasyal ditto dahil sa mga makukulay na ilaw na nagbibigay buhay sa lugar. Makakapag-enjoy ka talaga ditto, bata man o matanda pwedeng sumakay sa mga “rides” na itinayo nila na hated ay saya sa sinoman. Nakakapawi ng pagod sa mga taong nagdaraan at nakakakita nito.
                Dinagsa ito ng mga tao mapamayaman o mahirap man dahil sa mura na bagsak presyo pa at hindi mabigat sa bulsa ang mga produktong kanilang ibinebenta. Sari-saring mga gamit at mga sapatos ang mapagpipilian mo. Maaga pa lang ay makakapamili at makakapili na nang regalo sa Pasko.
                Syempre mawawala ba naman ang mga larong katulad ng color game, bingo at marami pang iba o mas kilala sa tawag na perya na lubos na kinahihilingan ng mga kalalakihan. Kapag ikaw ay nanalo makakakuha ka ng ibat’-ibang premyo na hindi mawawala syempre ang pera. Di lang maaliw, magkakapera pa.

                Ngayon malapit na ang Disyembre siguradong dudumugin na naman ang tianggian. Kaya’t umpisahan niyo nang mamimili at para dir in maabala. Matatapos ang tiangge pagkalipas ng bagong taon.