Sunday, January 26, 2014

UMALOHOKAN TP 2013-2014 Pahina 3

Twinbill Play, dinagsa
                Dinagsa ng mga mag-aaral, alumni at ng mga magulang ang twinbill play na ginanap sa Mambugan National High School, Nob. 20-21.
                Sa pamumuno ni G. Rodney Allan Gianan at sa tulong ng iba oang guro sa Ingles nagkaroon ng twinbill play ang Thespian Guild, isang samahan ng mga mag-aaral sa pag-arte. Nabuo ito sa layuning makatulong sa paaralan. Bago pa man makapili ng mga gaganap ay nagkaroon muna ng workshop sa buwan ng Oktubre at dalawang linggong pagsasanay sa buwan ng Nobyembre.
                May pamagat na “The World is an Apple’’ at “New Yorker in Tondo” ang napili nilang itanghal at dalawang gabi itong ginanap. Sa unang gabi, mag-aaral mula sa ikapitong baiting at ikatlong taon ang nagging manonood at mga mag-aaral mula sa ikawalong baiting at ikaapat na taon naman sa ikalawang gabi.
                Ilan sa mga nagsiganap sa “The World is an Apple” ay sina Raquel Joy Vallente at Mary Joy Atendido bilang Gloria;  John Edward Tabano at Andreipel Legaspi sa katauhan ni Mario at sina Dave Danao at Ralph Lawrence Del Rosario sa papel ni Pablo.
                Binigyang-buhay naman nina Janeza Cinto (IV – PEACE) at Laarni Ortua (IV – INTEGRITY) ang karakter na Kikay sa “New Yorker in Tondo.” Kasama rin sina Jean Vijar (IV – PEACE) bilang Nena, Jason Tabano (III – Sapphire) bilang Tony, Jake Sarmiento (IV – PEACE) at Anthony Manaquil bilang Totoy at sina Jezzel Mae Fuentes (IV – PEACE) at April Rose Carpio (IV – PEACE) na ginampanan ang papel ni Mrs. Mendoza.
                “Naging mahusay sa pag-arte ang mga nagsiganap na nagging dahilan ng matagumpay na pagtatanghal.” Aniya ni G. Gianan. (Megs Howard Rayco)

World Teachers’ Day 2013
119 guro ng Mambugan NHS, nakiisa
Nakiisa ang 118 guro ng Mambugan National High School sa humigit kumulang na 1,500 na mga guro sa pagdiriwang ng World Teachers’ Day sa Ynares Center, Okt. 5.
Binigyang kasiyahan ang mga guro sa pamamagitan ng mga palaro  tulad ng Pinoy Henyo, Paypay the fish, Target at the middle at Shoot the ping pong ball. Isa rin sa mga inabangan ang Cheerdance Competition na nilahukan ng bawat distrito na bumubuo sa Dibisyon ng Antipolo.
Kinilala rin ang mga “Well-Loved Teachers” ng bawat paaralan sa bawat distrito kung saan tumanggap ang mga ito ng mga regalo mula sa kanilang mga mag-aaral at kapwa guro gayundin ng cash at cellphone mula naman sa tanggapan ng mga kongresman ng una at ikalawang distrito.
Nakatanggap ang mga guro ng payong mula kay Mayor Ynares at marami rin nag-uwi ng papremyo sa pa-raffle na pinangunahan ng mga supervisor ng dibisyon tulad ng isang set ng appliances tulad ng refrigerator, T.V at washing machine. (Carl Aerial Morato)

Gozun, itinanghal na Well-Loved Teacher

Itinanghal na Well-Loved Teacher ng mga mag-aaral ng Mambugan National High School si G. Juniver Gozun kaugnay ng pagdiriwang ng National Teachers’ Day, Okt. 4.
Pinangunahan ng pamunuan ng Supreme Student Governance (SSG) ang palatuntunan para sa mga guro. Sila rin ang umikot para mangalap ng boto mula sa mga mag-aaral at maging sa mga guro.
Ayon kay G. Gozun, hindi niya inaasahan na siya ang mapipili sa ganoong award dahil hindi naman daw siya umasa.
“Syempre natutuwa ako at kailangan ko pang pagbutihin ang pagtuturo para naman sa mga magiging mag-aaral ko pa sa hinaharap.”
Bukod sa natanggap na pagkilala sa paaralan, kinilala rin siya sa World Teachers” Day na ginanap naman sa Ynares.
Nagkaroon ng presentasyon ang ilang mag-aaral ng kani-kanilang talento. Sa tulong ni Gng. Liwayway Dawn de Real, Tagapayo ng SSG.
Isa sa pinakatampok ay ang Kalookalike ng mga guro. Ilang piling mag-aaral ang gumaya sa kani-kanilang paboritong guro.
Kasabay ng nasabing programa, ang pagbibigay parangal at pagkilala sa ilang kompetisyon na nilahukan ng lahat ng pangkat ng mga mag-aaral mula sa Ikapitong Baitang hanggang Ikaapat na Taon. Pinangunahan ni G. Rommel Beltran, Punungguro ng paaralan.
Binigyang pagkilala ang mga guro na pumasok sa top 10 Well-Loved Teachers na sina Gng. Teresa Galvez, G. Andropov Robles, G. Fernando Timbal, G. Mark Nantes, Bb. Ira Yap, Gng. Febie Caadan, Bb. Maitha Mondragon, Gng. Mary Ann Canales at G. Marlon Rait.
Isang awitin naman ang handog ni G. Gozun ang kanyang inialay sa mga mag-aaral at mga kapwa guro. (Dietherson Galvez)

Mr.at Ms. United Nation muling ibinalik
Muling ibinalik ang Mr. United Nation ng Araling Panlipunan makalipas ang limang taon bilang pagdiriwang sa United Nation Month, Okt. 25.
Nagsagawa ng pre-pageant ang departamento ng Araling Panlipunan para sa nagnanais na sumali sa Mr. & Ms. United NAtion sa pangunguna ni Gng. Liwayway Dawn de Real, Tagapangulo.
Katuwang nila ang pamunuan ng Samahan ng mga Mag-aaral ng Kasaysayan (SAMAKA) sa pagsasaayos ng palatuntunan. Sila rin ang naatasan na gumawa ng mga sash na ipagkakaloob sa mga mananalo.
Suot ang nagniningningan na kasuotan nanalo sila sa Best in Costume sa nasabing programa. Sa loob ng 12 kalahok na natira sila ang mas numingning suot ang kasuotan ng isang pahroah kay Gerologa at kasuotan ni Cleopatra kay Presentacion.
Nanalo rin sila sa Best in Talent matapos magpakita ng indayog sa pagsasayaw.

At higit sa lahat,  napanalunan ang parangal na gustong makamit ng lahat na kalahok ang Mr. and Ms. UN. Tinaghal sila dahil sa angkin nilang talento at dahil naiprisinta nila ng maayos ang bansang Ehipto. (Scottie Cerbo)

No comments:

Post a Comment