Tuesday, April 27, 2021

Umalohokan TP Hunyo-Nobyembre 2005

Editoryal
Celfon, nakakasira sa kalidad ng edukasyon

                Marami sa kabataan ngayon ang tuliuyan nang nasisira ang paraan ng kanilang pananalita at pagbabaybay ng mga salita maging Ingles o Tagalog man dahil sa limitadong paggamit ng mga letra sa celfon.
                Samu’t sari na ang mga teknolohiyang nagsisilabasan na nagssisilbing kaibigan ng kabataan. Isa na rito ang tinatawag nilang ‘cellphone’ na may iba’t ibang katangian at yunit na talaga naming kinababaliwan ng lahat. May malaki, maliit, mahal maging second hand pa yan taas noong ipinangangalandakan at ipinagmamalaki. Lahat meron, matanda o mapabata man, pabonggahan at pasosyalan, abutin man ng umaga sa pagtetext di patitinag’yan at kahit wala nang makain, ipagpipilitan kay nanay na ibili ng celfon. Siyempre ganyan ang kabataan sa ngayon, sunod sa uso.
                Ang tinatawag na celfon o produkto ng teknolohiya ay nagbibigay ng malaking tulong sa kabataan. Subalit tila nagiging mitsa na ito nang pagbagsak sa kalidad ng edukasyon. Ang kaalamang handog ng mga guro ay unti-unti ng nababalewala at naiiba na rin ang mga salitang ginagamit nila. Mga salitang pinaiikli na di naman talaga katanggap-tanggap sa tamang paraan ng pagbigkas at pagsulat. Dahilan sa paglimot natin sa kultura lalo na sa alpabetong kinamulatan ng ating lahi.
                Ganun pa man, napakalaking epekto nito sa kabataan maging sa susunod na henerasyon dahil sila ang magmamana at magpapasa ng hubad na katotohanan ng mga pinaniniwalaan natin. Isipin na lang ang paraan ng pagte-text ay siya ring paraan ng pananalita natin, hindi tayo uunlad bagkus ito’y magiging daan ng pagkamangmang. Higit  sa lahat, napakalaking porsyento ang magaganap na pagbagsak sa kalidad ng edukasyon.
                Kung ipagpapatuloy pa natin ang ganitong pamamaraan ay mananatili tayong bihag ng sarili nating pagkakamali. Hindi na dapat natin hayaang mauwi pa sa pagsisisi ang lahat. Habang may oras pa ituwid natin ito dahil nasa ating mga kamay ang tunay na pagbabago.

Internet: Virus sa mga mag-aaral
                Laganap ngayon sa lahat ng lugar amg maimpluwensiyang kapangyarihan ng kompyuter sa pamamagitan ng internet kung saan kayang pasukin ng sinuman maging menor de edad.
                Isang magandang produkto ng siyensya ang kompyuter ngunit unti-unti naman nitong kinakain ang oras at panahon ng mga kabataan. Kapansin-pansin ang kahinaan ng ulo ng mga kabataan pagdating sa mga pag-aaral ngunit napakabilis naman sa usapan patungkol sa kompyuter.
                Ito rin ang nagiging daan ng pagpapababa ng moralida ang isang tao dahil nagbibigay ng masamang impluwensya sa kabataan lalo na sa paglalathala ng mga pornograpiya.
                Ang pornograpiya ay pagpapalabas ng mga hubad na pigura ng katawan ng babae  man o lalaki na hindi na dapat napapanood ng mga kabataan. Subalit labis na tumataas din ang antas ng mga sexual harassment at mga di kanais-nais na Gawain na labag sa lipunan.
                Masasabi ngang virus ang internet sa mga kabataan at ito ay marapat lamang na aksyunan ng gobyerno bago pa man maging huli ang lahat. Tandaang kompyuter at kapaki-pakinabang kung gagamitin ito sa tamang paraan.

Pag-usapan Natin
Computer shop, bilyaran, video games: Hadlang sa pag-aaral
Rachelle Peregrino
                Naglipana na ang mga ‘computer shops, bilayaran at video games’ malapit sa paaralan na nagiging hadlang  sa pag-aaral ng mga kabataan. Hindi nab ago sa ating pandinig ang uri ng ganitong sitwasyon lalo na sa iba’t ibang sulok ng paaralan na ngayo’y suliranin ng mga guro’t magulang.
Marami sa mga estudyante ngayon ang tumatakas sa bahay at nagka-cutting sa eskwelahan paralang mapuntahan ang kanilang kinababaliwan. Halos di na papipigil ang mga mag-aaral na gawin ang kanilang nais. Imbes na lapis at papel ang hawak tila nagiging tako, joy sticks at keypads ay ayaw nilang bitawan.
 Napakalaking epekto nito sa kabataan lalo na sa kanilang mga isipan. Pagdating ng pagsusulit wala na silang maisagot tanging ang alam lang nila ay ang kanilang kinahuhumalingan. Ang mga perang ginagasta ay galling sa dugo’t pawis ng kanilang magulang. Hindi man lang nila alintana ang pagpapakahirap ng kanilang mga magulang sa tindi ng sikat ng araw para lamang maibigay ang kanilang pangangailangan at maipagpatuloy ang pag-aaral.
Nagpatupad na ang DepEd ng mga batas upang masugpo ang ganitong suliranin sa pag-aaral ng mga kabataan. Hindi na pinapayagang magbukas pa ang ganitong uri ng negosyo lalo na’t malapit sa paaralan. Oo nga’t malaki ang kinita nila ngunit di nila alam na nakakasira sila ng kinabukasan. Kung tutuusin napakaraming pagkakakitaang iba na mas mainam pa nga at malaking tulong sa kabataan.
Paano natin masasabi na ang kabataan ay pag-asa ng bayan na winika pa sa ‘tin ni Gat. Jose Rizal kung ipagpapatuloy natin ito ay naglalaho ng parang bula. Kalian pa kaya natin ito maisasakatuparan?
Ganun pa man sana’y  maputol na ang hadlang sa pag-aaral. Huwag na rin sanang magmatigas ang mga may-ari ng ganitong negosyo. Hindi masama ang minsa’y magpakasaya ngunit dapat limitado ang lahat ng bagay. Magbago n asana tayo sa ganitong Gawain bagkus ipagpatuloy ang nasimulan.

Balintataw
E-VAT, pasakit sa kabataan
Ricky Tacdol
                Simula sa ngayong Nobyembre, mararanasan na natin ang matinding perwisyong hated ng tinatawag na ‘Expanded Value Tax’ (E-VAT) o ang dagdag singil sa presyo ng mga bilihin.
                Ikinagulat ng lahat ang pagbabagong ito ng mga magulang lalo na ang kanilang anak. Malaking hirap na pasanin ang mararamdaman kung saka-sakaling maipapatupad ito. Ngayon pa nga lang, labis-labis na ang mga gastusin at bayarin. Paano pa kaya kung agarang ito’y mangyari?
                Di naman tumataas ang sahod ng ating mga mga magulang bagkus siya naming patuloy na pagtaas ng mga bilihin. Idagdag pa ang gastusin sa bahay pati na ang pangangailangan ng mga kabataan. Siguradong panibagong sakit sa ulo na naman ang haharapin natin.
                Tayo, bilang kabataan wala pang sapat na kakayahan upang matugunan an gating mga pangangailangan. Tanging ating mga magulang lamang ang siya nating inaasahan lalo na sa mga  bayarin sa eskwelahan. Lumalabas na napakalaking epekto pa rin ito sa kabataan kahit hindi pa handa ang mjra nating isipan sa mga usaping gaya nito. Ito ay magiging isa sa napakalaking hadlang sa pag-abot n gating mithiin.
Isa lamang sa ating mahihinuha ay kung makakakain pa ba tayo ng tatlong beses sa isang araw. Hindi ba’t punto ng E-VAT ay ang mga pangunahing bilihin lalo na ang pagkain. Kung hindi natin maisakatuparan ang pagtugon sa ating mga pangangailangan maaring maapektuhan an gating pag-iisip at maging an gating kilos.
Batid ng lahat na ito’y ipinatupad nang sa gayo’y mabayaran natin ang natitirang utang ng Pilipinas at matustusan ang mga programa ng pamahalaan. Ngunit, talaga nga bang napupunta sa kaban ng bayan o sa bulsa lamang ng mga buwaya sa lipunan na dahilan n gating pagpapakasakit?

Sana nga’y makaisip ng alternatibong paraan an gating pamahalaan ng hindi masyadong mabigat sa ating lahat. Totoo ngang napakalaki ng kontribusyon nito sa ating bansa subalit kailangan din nilang alalahanin ang kalagayan ng mga mahihirap dahil kaakibat nito ay ang kinabukasan ng kabataan. 

Friday, February 20, 2015

Balita: Kandidato ng SSG, isinalang sa Press Conference


Inilatag ng bawat grupo ng kandidato ng Supreme School Government (SSG) officers ang kani-kanilang plataporma para sa susunod na taon, sa isinagawang press conference sa Computer Laboratory, Peb. 16.

Inamin ng grupong Wise Intention For Individual (WIFI) na 80 porsiyento lamang ang kasiguraduhan na maipapatupad ang lahat ng kanilang plataporma. Kabilang na rito ang kaayusan sa pananamit ng bawat estudyante, Proper Waste Management, Free Tutorial, SARDO, wastong pagdidisiplina sa mga mahuhuling nagka-cutting class at ang paglalagay ng freedom wall. 

“Napagpasyahan naming maglagay ng freedom wall, para naman matigil na ang pagba-vandalism ng mga estudyante sa CR.” sagot ni Appke Claire Benito (tumatakbong Kalihim ng SSG) nang tanungin siya sa kahalagahan ng paglalagay ng freedom wall. 


Hindi naman nagkalayo ang plataporma ng grupong Enhance the Development of Individual With the help of governance Of Well first state (EDI WOW) sa naunang grupo. Katulad na lamang ng wastong pananamit at ayos ng mga estudyante, pagpapanatiling maayos ng silid-aralan, Proper Entrance and Exit at freedom wall. 

Ayon din sa kanila, nasa 85 porsiyento lamang ang kanilang kasiguraduhan sa pagpapatupad ng kanilang plataporma. 

“Hindi naman namin sinasabing 100% magagampanan namin yung mga planong ito,” pag-amin ni Sheena Perez (tumatakbong SSG President, EDI WOW Group). 

Bagama’t kapwa aminado ang parehong grupo sa maaaring maging resulta ng kanilang mga inihaing plataporma; sinigurado naman nila ang kanilang sapat na atensyon sa pamamahala ng mga estudyante. 

“Ibibigay namin yung best namin at makikipagtulungan kami sa iba’t-ibang organization ng school.” paliwanag ni Catherine Santos (tumatkbong SSG president, WIFI Group). (Alma Mae Trilles)

Sunday, January 26, 2014

UMALOHOKAN TP 2013-2014 Pahina 4

Editoryal
Magkaisa sa pagbangon
Nagulantang ang buong bansa ng humagupit ang Bagong Yolanda sa Bisayas na ikinalungkot at ipinagdalamhati ng lahat ngunit ito naman ang naging daan upang magkaisang tulungang bumangon ang nasalanta.
Lubha ngang napakalakas ng bagyo na tumama rito sa bansa na halos lahat ng mga nasalantang lugar ay maubos ang bawat taong naninirahan at wala nang mga imprastrakturang nakatayo. Maraming pamilya ang nawalan ng mahal sa buhay at marami rin ang mga nagkasakit at nagutom.
Ngunit huwag lang sana puro negatibong pangyayari ang isipin, kung nariyan naman ang mga taong handang tumulong upang muling makabangon sa bagsik na naidulot ng bagyo sapagkat marami ang mga nagsumikap na maka-likom ng pera at mga kagamitan na higit na kinakailangan ng mga nasalanta.
Nakatutwang isipin na hindi lang mga kapwa Pilipino ang magpapaabot ng pagdamay. Nariyan ang iba’t-ibang bansa na handang tumulong sa pagbangon ng mga nasalanta, nagbigay sila ng mga malalaking halaga, mga kagamitan upang madaling maitayo ang mga nasirang tahanan at nagpadala rin sila ng mga dalubhasa na makatutulong sa kalusugan ng mga tao sapagkat marami ang nagkaksakit dahil sa kawalan ng mkain at matulugan sa gabi.
Dagdag pa riyan, nakapagpapsarap din ng pakiramdam ang mga batang pilit nagsumikap na makalikom ng pera at kahit ang kanilang mga inipong pera ay binuksan upang may maibigay sa mga nasalanta.
Tunay ngang kahit anong unos ang dumating sa bansa ay malalampasan basta’t mayroong pagkakaisa at mga taong handang makatulong sa kahit anong paraan at sa abot ng kanilang makakaya.

Deretsahan
‘Maryjane,’ lubayan
Ricardo H. Mongmongan Jr.

Laganap na ang paggamit ng damo, weeds, marijuana o maryjane, habang tumatagal pabata ng pabata na nagiging biktima nito kasama na rito ang mga maag-aaral at ginagamit na rin ang mga kabataan sa pagbebenta nito. Tanong ko lang, ano ba ang napapala nila sa paggamit nito? Naisip ba nila na pahalagahan ang kanilang sarili?
Marami ng buhay ang kinuha nito, marami ng pamilya ang winasak nito, at higit sa lahat marami ng indibidwal na nawalan ng magandang kinabukasan dahil dito. Kung tutuusin kasalanan din natin kung bakit nangyayari ang mga bagay na ito, dahil na rin sa alam na natin na bawal ito bakit ipinagpapatuloy pa rin ang paggamit? Marahil may mga bagay na naidudulot ito na nakapagbibigay ng walang katumbas na kasiyahan.
Karamihan sa mga biktima nito ang nagsasabing kakaiba ang naidudulot ng marijuana, kaya nitong gawing umaga ang gabi, kaya rin  nitong isalba sa pagkakagutom, nagdudulot din ito ng pagkamanhid pakiramdam mo isa ka nang superhero. Nagagawa nitong imposibleng bagay at nagdudulot ito ng walang katumbas na kasiyahan.
Matatanggap pa natin kung gagamitin ang marijuana bilang halamang gamot na makapagbibigay lunas sa mga karamdaman at magiging kapakipakinabang sa lipunan. Ngunit kung gagawin na itong bisyo kasuklam-suklam na itong pangyayari at makasisira na ito ng mga inosenteng buhay.
Tayo-tayo rin ang nagiging biktima sa kapabayaan na ating ginagawa, responsibilidad na maging mabuting mamamayan, nasaan na ngayon? Pikit mata tayo sa taing mga nakikita, pilay-pilayan tayo sa ating mga ginagawa at bingi-bingihan tayo sa ating mga naririnig.
Marahil nakasasaksi tayo sa karumaldumal na krimen na ito, ngunit natatakot lang tayong sumangguni sa mga kinauukulan dahil takot tayo malagay ang ating buhay sa kapahamakan at iniisip natin na hindi madaling labasan ang ganitong bagay, kaya’t binabalewala lang natin ang mga pangyayaring ito.
Sapat na ang mga nangyari. Maryjane, lubayan na. Ipagpapalit mo ba ang panandaliang kasiyahan kung panghabang buhay mo naman itong pagsisihan, nasa ating mga kamay ang pagpapasya ng hindi mapabilang sa mga naging biktima, sapagkat walang magandang dulot si maryjane kundi pagkasira ng buhay at kinabukasan lamang.

Mapagmasid
Maling gawi, iwaksi!
Scottie Cerbo
Anu-ano ba ang maling pamamaraan ng mga estudayante? Sa pagtatapos ng 2013, balikan natin ang nagdaang taon. Saan tayo nagkamali at saan tayo nagkulang? Ngayong 2014, hangad ng lahat ng magkakaroon ng magandang gawi sa pag-aaral. Makapagtapos at magkaroon ng masaganang buhay at magandang pamilya.
Pagliban sa klase ang karaniwang problema ng lahat ng mga guro na hindi madaling iwaksi dahil kahit paulit-ulit na silang lumiliban kahit nakataya ang kanilang sariling kinabukasan. Mapalalaki o mapababae man.
Isa pa sa mga problema ng mga guro pati ng mga magulang na mahiligan ng kanilang anak ang pag-iinom ng alak na karaniwang ginagawa ng mga estudyanteng lumiliban sa sari-sarili nilang klase. Nahuhuli man sila, marami pa rin ang nag-iinom kahit nakasuot man ng uniporme ang mga naturang estudyante. Hindi tamang gupit sa buhok ang isa pang problema ng mga guro sa kanilang mga estudyante. Gupit orbit, “square back”, Mohawks ang karaniwang gupit na makikita natin sa mga buhok ng ilang estudyante.
Kalimitan ang pagsusugal ng estudyante ang hindi masyadong napapansin ng mga guro.
Itinataya nila ang sarili nilang mga baon na umaasa na lalago ang kanilang pera na malbong mangyari dahil sa sugal nagsasayang lang tayo ng pera at sa sugal swertehan lang kung manalo.
Kahit alam nila na mapapa-office sila hindi sila natatakot dahil hindi naman mabigat ang parusa na ipapataw sa kanila kaya patuloy pa rin sila sa paglalaro nito na karaniwan at “text money”, “cara cruz”, ikot at marami pang iba.
Tama lang na maging mahigpit ang mga guro para na rin sa mga mag-aaral na lumalagpas na sa tama ang ginagawa.
Sa lahat ng maling gawi na ito madaling nakagawa ng solusyon ang mga guro upang maresolbahan ang mga suliranin tulad nito at magkaroon ang estudyante ng magandang buhay sa hinaharap at hindi matulad sa mga taong naninirahan sa iskwater o sa ilalim ng tulay.

Higit sa lahat, isipin muna natin ang isang bagay bago natin gawin. Isaalang-alang din natin ang lahat na maaring madamay o masaktan. Walang magandang sukli sa atin ang lahat ng maling gawi dahil hatid lamang nito ang pagkasira ng ating hinaharap na tutungo dapat sa pag-unlad ng ating buhay. 

UMALOHOKAN TP 2013-2014 Pahina 3

Twinbill Play, dinagsa
                Dinagsa ng mga mag-aaral, alumni at ng mga magulang ang twinbill play na ginanap sa Mambugan National High School, Nob. 20-21.
                Sa pamumuno ni G. Rodney Allan Gianan at sa tulong ng iba oang guro sa Ingles nagkaroon ng twinbill play ang Thespian Guild, isang samahan ng mga mag-aaral sa pag-arte. Nabuo ito sa layuning makatulong sa paaralan. Bago pa man makapili ng mga gaganap ay nagkaroon muna ng workshop sa buwan ng Oktubre at dalawang linggong pagsasanay sa buwan ng Nobyembre.
                May pamagat na “The World is an Apple’’ at “New Yorker in Tondo” ang napili nilang itanghal at dalawang gabi itong ginanap. Sa unang gabi, mag-aaral mula sa ikapitong baiting at ikatlong taon ang nagging manonood at mga mag-aaral mula sa ikawalong baiting at ikaapat na taon naman sa ikalawang gabi.
                Ilan sa mga nagsiganap sa “The World is an Apple” ay sina Raquel Joy Vallente at Mary Joy Atendido bilang Gloria;  John Edward Tabano at Andreipel Legaspi sa katauhan ni Mario at sina Dave Danao at Ralph Lawrence Del Rosario sa papel ni Pablo.
                Binigyang-buhay naman nina Janeza Cinto (IV – PEACE) at Laarni Ortua (IV – INTEGRITY) ang karakter na Kikay sa “New Yorker in Tondo.” Kasama rin sina Jean Vijar (IV – PEACE) bilang Nena, Jason Tabano (III – Sapphire) bilang Tony, Jake Sarmiento (IV – PEACE) at Anthony Manaquil bilang Totoy at sina Jezzel Mae Fuentes (IV – PEACE) at April Rose Carpio (IV – PEACE) na ginampanan ang papel ni Mrs. Mendoza.
                “Naging mahusay sa pag-arte ang mga nagsiganap na nagging dahilan ng matagumpay na pagtatanghal.” Aniya ni G. Gianan. (Megs Howard Rayco)

World Teachers’ Day 2013
119 guro ng Mambugan NHS, nakiisa
Nakiisa ang 118 guro ng Mambugan National High School sa humigit kumulang na 1,500 na mga guro sa pagdiriwang ng World Teachers’ Day sa Ynares Center, Okt. 5.
Binigyang kasiyahan ang mga guro sa pamamagitan ng mga palaro  tulad ng Pinoy Henyo, Paypay the fish, Target at the middle at Shoot the ping pong ball. Isa rin sa mga inabangan ang Cheerdance Competition na nilahukan ng bawat distrito na bumubuo sa Dibisyon ng Antipolo.
Kinilala rin ang mga “Well-Loved Teachers” ng bawat paaralan sa bawat distrito kung saan tumanggap ang mga ito ng mga regalo mula sa kanilang mga mag-aaral at kapwa guro gayundin ng cash at cellphone mula naman sa tanggapan ng mga kongresman ng una at ikalawang distrito.
Nakatanggap ang mga guro ng payong mula kay Mayor Ynares at marami rin nag-uwi ng papremyo sa pa-raffle na pinangunahan ng mga supervisor ng dibisyon tulad ng isang set ng appliances tulad ng refrigerator, T.V at washing machine. (Carl Aerial Morato)

Gozun, itinanghal na Well-Loved Teacher

Itinanghal na Well-Loved Teacher ng mga mag-aaral ng Mambugan National High School si G. Juniver Gozun kaugnay ng pagdiriwang ng National Teachers’ Day, Okt. 4.
Pinangunahan ng pamunuan ng Supreme Student Governance (SSG) ang palatuntunan para sa mga guro. Sila rin ang umikot para mangalap ng boto mula sa mga mag-aaral at maging sa mga guro.
Ayon kay G. Gozun, hindi niya inaasahan na siya ang mapipili sa ganoong award dahil hindi naman daw siya umasa.
“Syempre natutuwa ako at kailangan ko pang pagbutihin ang pagtuturo para naman sa mga magiging mag-aaral ko pa sa hinaharap.”
Bukod sa natanggap na pagkilala sa paaralan, kinilala rin siya sa World Teachers” Day na ginanap naman sa Ynares.
Nagkaroon ng presentasyon ang ilang mag-aaral ng kani-kanilang talento. Sa tulong ni Gng. Liwayway Dawn de Real, Tagapayo ng SSG.
Isa sa pinakatampok ay ang Kalookalike ng mga guro. Ilang piling mag-aaral ang gumaya sa kani-kanilang paboritong guro.
Kasabay ng nasabing programa, ang pagbibigay parangal at pagkilala sa ilang kompetisyon na nilahukan ng lahat ng pangkat ng mga mag-aaral mula sa Ikapitong Baitang hanggang Ikaapat na Taon. Pinangunahan ni G. Rommel Beltran, Punungguro ng paaralan.
Binigyang pagkilala ang mga guro na pumasok sa top 10 Well-Loved Teachers na sina Gng. Teresa Galvez, G. Andropov Robles, G. Fernando Timbal, G. Mark Nantes, Bb. Ira Yap, Gng. Febie Caadan, Bb. Maitha Mondragon, Gng. Mary Ann Canales at G. Marlon Rait.
Isang awitin naman ang handog ni G. Gozun ang kanyang inialay sa mga mag-aaral at mga kapwa guro. (Dietherson Galvez)

Mr.at Ms. United Nation muling ibinalik
Muling ibinalik ang Mr. United Nation ng Araling Panlipunan makalipas ang limang taon bilang pagdiriwang sa United Nation Month, Okt. 25.
Nagsagawa ng pre-pageant ang departamento ng Araling Panlipunan para sa nagnanais na sumali sa Mr. & Ms. United NAtion sa pangunguna ni Gng. Liwayway Dawn de Real, Tagapangulo.
Katuwang nila ang pamunuan ng Samahan ng mga Mag-aaral ng Kasaysayan (SAMAKA) sa pagsasaayos ng palatuntunan. Sila rin ang naatasan na gumawa ng mga sash na ipagkakaloob sa mga mananalo.
Suot ang nagniningningan na kasuotan nanalo sila sa Best in Costume sa nasabing programa. Sa loob ng 12 kalahok na natira sila ang mas numingning suot ang kasuotan ng isang pahroah kay Gerologa at kasuotan ni Cleopatra kay Presentacion.
Nanalo rin sila sa Best in Talent matapos magpakita ng indayog sa pagsasayaw.

At higit sa lahat,  napanalunan ang parangal na gustong makamit ng lahat na kalahok ang Mr. and Ms. UN. Tinaghal sila dahil sa angkin nilang talento at dahil naiprisinta nila ng maayos ang bansang Ehipto. (Scottie Cerbo)

UMALOHOKAN TP 2013-2014 Pahina 2

Anim na Medalya, hinakot ng MBNHS
                Hinakot ng Mambugan National High School ang anim na medalya sa nagdaang Division Science Quest na ginanap sa Mayamot National High School, Set. 27.
                Nasungkit muli ni Janjuai Agoncillo (VIII – Tipulo) ang unang pwesto sa kategoryang Grade Eight Quiz Bee kasama ang kanyang Tagapagsanay na si G. Fernando Timbal. Pinalad na makamit ang ikalawang pwesto nina Brite Padernal (III -  Dianmond) para sa Third Year Quiz Bee, Bryan Bueno(VIII – Tipulo)  para sa Sci-Dama at Claudette Cagas (IV – Love) para sa 4th Year Techno-Quiz. Sina Gng. Mary Ann Manlagnit, G. Fernando Timbal at Gng. Myleen Balingit ang mga tumayong tagapagsanay.
                Nakuha naman ni Lerra Joyce Tejero (VIII – Tipulo) ang ikaapat na pwesto sa Scrap Making Contest kasama ang kanyang tagapagsanay na si Bb. Marge Eclar at ikalimang pweto naman si Janalou Leuterio (VII – Stargazer) Poster Making Contest na sinanay naman ni Gng. Maribel Javonillo na siya ring Tagapangulo ng Science Department.
                “Natutuwa naman ako sa performance ng mga bata kaya naman buo ang suporta ko sa kanila.” ito ang nasabi ni G. Rommel Beltran, punungguro matapos sumama sa mga mag-aaral na nanalo.
Dalawampu’t isang paaralang sekondarya mula sa pribado at pampubliko ang lumahok sa nasabing tagisan na may paksang “Science And Technology Advancement; Enhance Quality of Life Through Invention and Research. (Angelo C. Mirabel)


Cagas nanguna sa Division Talent Fest ‘13
                Nanguna sa Division Talent Fest ’13 si Caludette Cagas matapos magpamalas ng husay sa pagbuo ng awitin at pagkanta habang ginugunita ang nasabing paligsahan na ginanap sa San Jose NHS, Dis.12.
                Sinanay siya ni Gng. Liwaway Dawn De Real, tagapangulo ng Araling Panlipunan at tumulong din si G. Christian Santos, guro sa MAPEH sa ika-pitong baiting. Itinuro sa kanya ang istilo kung paano gumawa ng “melody’ at tamang “time signature” at ipinalowanag din sa kanya ang totoong kahulugan ng “jingle”.
                Pinag-aralan niya ng mabuti ang itinuro ng kanyang tagapayo mula sa paggawa ng sariling kanta, tono at mensahe nito.
                Hindi naman binigo ni Cagas ang kanyang mga tagapayo at ang mga hurado dahil sa ipinamalas niyang galing sa pagkanta, kaya naman napabilib niya ang kanyang mga tagapakinig, kaya’t nasungkit niya ang unang karangalan sa nasabing paligsahan.
                “Ako’y natutuwa, nasisiyahan at nasasabing she deserves it, at first time kasing nakuha ng MBNHS ang kategoryang iyon.” aniya.
                Sa kabilang dako, nakilahok naman sina Jelly Ann Vega (IV – Peace) sa poster making, Jeaneth Enriquez (IV – Love) sa Essay Writing at Mary Rose Canchela sa Pop Quiz.
                Irerepresenta ni Cagas ang Division of Antipolo sa darating na Regional Talent festival na gaganapin sa Nasugbu, Batangas. (Megs Howard Rayco@Joanne Graniel)

Kampanya para sa kababaihan, isinulong
                Isinulong ng kagawaran ng Araling Panlipunan ang 18th Day Annual Campaign to End Violence Agaisnt Women (VAW) sa Mambugan National High School, Dis.11.
                Inanyayahan bilang tagapagsalita si Kagawad Emerson Dela Pena na tumalakay sa R.A. 9262 o Anti-Violence Against Women and their Children Act of 2004.
                Binibigyang pansin ng nasabing batas ang karapatan at proteksyong makukuha ng mga kababaihan at kanilang mga anak. Natalakay rin ang mga sintomas ng mga battered woman at ang kaparusahan sa mga lalabag sa batas na ito.
                Pinangunahan ito ni Gng. Liwayway Dawn de Real, tagapangulo ng Araling Panlipunan kasama ang kanyang mga guro at sinuportahan naman ni G. Rommel Beltran, punungguro.
                Dinaluhan ito ng humigit kumulang na 100 kalahok mula sa mga Guro sa A.P., mga magulang, LGU, at mga mag-aaral.
                Kaugnay rin nito ay ang pagpapasiklab ng iba’t-ibang baiting at taon para sa ‘Jingle Competition’ na napagtagumpayan naman ng mga mag-aaral mula sa Ikatlong Taon. (Ronaline Oliveros)

Mga mag-aaral lumahok sa ACALITMUS ART
                Lumahok ang mga mag-aaral sa sinagawang ACALITMUS ART ng English Department sa pagdiriwang ng English Month, Nob. 19.
                Hangarin ng paligsahan na linangin ang kakayahan at kaalaman ng mga estudyante sa iba’t-ibang Gawain katulad ng spelling, grammar, literature, pagsulat ng sanaysay, pagsulat ng tula, pagkanta, storytelling, pag-aarte at pagtatalumpati.
                Hangarin din ng programang ito ang makalikom ng pondo para sa gastusin sa Press Room.
Sinala ng mga guro sa English ang mga lalahok na mag-aaral upang kumatawan ng kanilang kinabibilangang taon.
Sinundan ito sa pagsasala sa paligsahan tulad ng Graphic Illustration at pagsulat ng sanaysay at tula.  Ang iba pang mga patimpalak ay ang solo singing at duet, Interpretative Dance.
Kaugnay nito ang stage play na dinerek ni G. Rodney V. Gianan at ilang piling mag-aaral mula sa Ikaapat na taon.
Suportado naman ito ni Gng. Mary Grace Morales, Tagapangulo ng English at G. Rommel Beltran, punungguro. (Scottie Cerbo)

“Maga-Maga” namayani sa 6th Antipolo City Council
                Namayani sa 6th Antipolo City Council Jamborette 2013 ang Maga-Maga ng Mambugan National High School sa Juan Lorenzo Sumulong III Farm, Brgy, San Jose, Antipolo City, Dis. 13-15.
Tatlumpu’t dalawang Boyscout mula sa Grade 7 at 8 ang dumalo kasama ang mga Scouter na sina G. Allan Kervin Manongdo, G. Eduardo Ranay, G. Wally Batalla, G. Mark Nantes at G. Fernando Timbal.
Nagsama-sama ang lahat ng Distrito ng Antipolo upang linangin ang kakayahan ng mga boyscout sa panahon ng sakuna at kahandaan sa mga pagsubok.
Unang pagsubok ay ang TETRA PACK RICE COOKING, sa loob ng labing pitong minute dapat makaluto ng kanin sa pamamagitan ng paggamit ng tetrapack, ditto mahuhubog ang pagtutulungan at makahanap ng alternatibong bagay para makapagluto.
Ikalawa ang LANDMINE, ditto naman mahuhubog ang pagtitiwala natin sa kapwa at pakikinig sa opinyon ng kapwa. Sumunod pa ang ibang pagsubok tulad ng HUMAL LADDER, TEAM WALK MAZE at ELEVATOR.
Nagkaroon din ng talakayan tungkol sa mga senyas at mga simbolo na pwedeng gamitin, isang halimbawa ang Morsecode at ang Wigwag Signaling ay pagwawagayway ng watawat o isang tela upang magbigay ng mensahe sa isang tao na nasa malayong distansya.
Itinuro din ang mga halaman na maari ding gamiting gamut katulad ng makahiya na gamut sa pagtatae, beke, batang lumalaki ang tiyan, masakit ang puson, may hika at panlinis ng atay.
Isa pang halimbawa ang dahon ng pandan kaya nitong gamutin ang rayuma, sakit sa ulo, sakit ng tainga, sugat, pampalakas ng puso at atay, pambatang ugat, daloy ng ugat.
Sa pagtatapos ng Jamborette, nagdaos sila ng awarding, naghakot ng parangal ang District I-C at nagbunga ng maganda ang mga ginawa ng mga kalahok. Naghahanda na ang Mambugan para sa Regional Camoing na gaganapin sa Maria Makiling sa Enero sa susunod na taon. (Eddan Rey B. Panelo)

UMALOHOKAN TP 2013-2014 Pahina 1

Mambugan, bumida sa Division Festival of Talents
Bumida ang mahuhusay na mag-aaral ng Mambugan National High School sa ginanap na Division Festival of Talents sa Antipolo National Hign School, Nob. 22.
Nagwagi si Shinna Estipona (III – Sapphire) ng ikalawang pwesto sa kategoryang Nail Art with Hand Massage sa tulong ng kanyang Gurong Tagapagsanay na si G. Jane Delano Estipona.
Pinalad na masungkit ni Zarrah Lhyn Espinas (VII – Tipulo) ang ikalawang pwesto matapos mapahanga ang mga hurado sa kanyang Special Dish Tilapia sa kategoryang Experimental Fish Dish.
“Masaya ako para kay Zarah. Sa tingin ko ay nasunod naman niya ang mga tinuro ko sa kanya.” pagmamalaki ni Gng. Gemma Cruz tagapagsanay nito.
Samantala nakamit naman ni Thomas Nicole Reamico (IV – Hope) ang ikalawang pwesto sa PC Assembly with Configuration and Networking kasama si G. Patt Caadan na tumayong Tagapagsanay.
Habang nakamit naman ni Xandra Fae Subiera (IV – Love) ang ikaapat na pwesto sa Web Page Designing kasama ang kanyang Tagapagsanay na si Gng. Khristine Ramoya.
Buo naman ang suporta ni G. Rommel S. Beltran, Punungguro. Ayon sa kanya, masaya siya sa nagging resulta ng mga nanalo at umaasa rin siya na marami pang makuhang pwesto ang paaralan.
Wala ring mapagsidlan ang saya na naramdaman ng Tagapangulo ng TLE Department na si Gng. Margaret Velasco. (Ricardo H. Mongmongan Jr.) 


2 guro, 4 bata pasok sa RSPC
                Pasok sa Regional Press School Conference 2013 (RSPC) ang dalawang tagapayo ng opisyal na pahayagan ng Filipino at English na sina G. Laurence Alvin Ferrer at Bb. Morena Dela Cruz at apat na manunulat matapos makakuha ng pwesto sa ginanap na Division School Press Conference, Okt.  16-18.
                Mula sa Umalohokan, nakuha ni Ricardo Mongmongan Jr. (IV – Love) ang ikalimang pwesto sa pinakabagong kategorya na Pagsulat ng Balitang Agham at nasa ika-13 pwesto si Megs Howard Rayco (IV – Love) sa Editorial Kartun.
                Nasungkit naman ni Claudette Cagas (IV-Love) ang ika-anim na pwesto sa Pagsulat ngt Agham at ikapito naman si Judy Ann Flaviano (IV- Love) mula sa The Stentor.
                Naiuwi naman ni Chelsea Diate (IV-Hope ang ikawalong pwesto sa Photojournalism at sa Sports Writing, pumwesto si Christian Gallardo (IV – Love) sa ika-13 gayundin si Hedie Cornelio (IV-Love) Editorial Cartooning.
                Tumatayo ring Gurong Tagapayo si Gng. Marvilyn Mixto para sa Umalohokan. Pinangunahan ni Gng. Cristina C. Salazar at G. Reynaldo Andrade Jr. ang nasabing komprehensiya.

                Sina Mongmongan, Cagas, Diate at Gallardo ay kasama sa mga kinatawan ng Dibisyon ng Antipolo City sa darating na ika-26 hanggang ika-31 ng Enero sa Cavite. (Megs Howard Rayco/Ricardo Mongmongan Jr.)  

Friday, November 14, 2008

Umalohokan TP 2008-2009 Pahina 6

Maikling Kuwento
source from the net forgot the site
“ Wanted Teachers Abroad!”

Kanina pa nakaharap sa computer si Bb. Castillo. Hindi lamang sampung beses na kanyang inulit-ulit ang pagbabasa sa ad na iyun sa internet, sa WORKABROAD.COM.PH. Hindi maikakaila na intresado siya sa nasabing paanunsyo kung kayat pilit niyang kinuha ang lahat ng detalye mula sa address ng agency, mga kailangang papel sa pag-aaplay at kung anong araw siya puwedeng magsadya upang ipasa ang kanyang resume.

Pag ganitong bakante at wala siyang klase, iisang lugar lang ang kanyang tinatambayan. Lahat ng mga kasamahang guro niya ay alam na kung saan siya hahagilapin, sa computer lab ng kanilang eskwelahan.Hindi siya ang itinalagang computer teacher, subalit dahil sa hilig niyang mag- internet, mistula na siyang assistant ni G. De vera, ang IT teacher nila sa skul na iyun.

Malakas ang kabog sa kanyang dibdib. Hindi maipaliwanag ni Donna kung kaba o sobranfg excitement ang kanyang nadarama. Subalit kung ano man ito ay di na mahalaga dahil buo na ang kanyang desisyon, sa isip niya ay nakadungaw ang pag-asa. Ito na ang pagkakataong matagal na niyang hinihintay. Ang makapagturo sa Amerika at maiahon sa labis na paghihikahos ang kanyang pamilya.

Isa siyang pampublikong guro sa San Antonio National High School. Limang taon na siyang nagtuturo ng BIOLOGY sa paaralang iyun. Dalawamput pitong taong gulang na siya subalit hanggang ngayon siya ay nanananatiling dalaga pa rin. Paano siya kasi ang bumubuhay sa kanilang pamilya. Pitong taon nang paralisado ang na istrok niyang ama, Sa bahay lamang at di maasahan sa trabaho ang hikain niyang ina kayat sa kanyang mga balikat nakaatang ang bigat ng pasaning krus sa pag-papaparal sa tatlo pa niyang mga nakabababatang kapatid. Ramdam niya ang labis na hirap sa pagganap ng kanyang tungkulin bilang breadwinner ng pamilya. Ito rin ang dahilan kung bakit lahat ng mga nanliligaw niya ay hindi niya sinasagot dahil para sa kanya pamilya muna bago ang kanyang sarili.

Kinse mil, iyun ang gross compensation na nakasulat sa payslip ni Donna. Subalit sampung libo dun ang kinakaltas sa pagbababayad ng kanyang mga pinagkakautangan sa mga lending corporation. Limang libo lamang ang net pay na kanyang naiuuwi sa isang buwan, kung minsan ay kulang pang pambili sa gamot ng tatay niya, di pa kasama dun ang babayaran nila sa upa at kuryente sa bahay.

Sumilay ang kakaibang ngiti sa kanyang mga labi. Para kay Donna binuksan ng langit ang isang pinto ng kanyang mga pangarap. Isang dadaanang pinto upang matakasan niya at ng kanyang pamilya ang sobrang nararanasang hirap ng pamumuhay sa kasalukuyan. Buo ang kanyang loob at positibo ang kanyang nararamdaman, papasa at matatanggap siyang guro sa Amerika.

Tunay na isang magaling na guro si Donna Castillo, hindi kataka-taka na napasama siya sa unang batch ng mga gurong Pilipino na dadalhin sa Amerika upang doon magturo. Marami sa mga kasamahang guro niya ang nainggit sa kanyang kapalaran.Wika nga, siya ay tinamaan ng swerte. Bibihirang pagkakataon ang dumapo sa kanya at madaming guro sa Pilipinas ang handang lumaban maski ng patayan mabigyan lamang ng pagkakataonng makapagturo sa lugar na kung tawagin ay “LAND OF MILK AND HONEY’.

Dalawang taong kontrata, iyun ang pinirmahan ni Donna bago tumulak ng Amerika. Kung papalarin pagkatapos ng dalawang taong iyun pupuwede na siyang mag-aplay bilang residente ng Amerika at pag siya ay nabigyan ng green card ay puwede na niyang i-petisyon at kunin ang kanyang pamilya.

Ngunit swerte nga ba talaga? O sadyang laging kakambal ng suwerte ang kamalasan? Dalawang buwan pa lamang bilang guro sa Amerika ay gusto nang umuwi ni Donna. Bukod sa kanyang pangungulila ay di niya makayanan ang napakasamang pagtrato ng mga estudyanteng Amerikano sa kanya.

“You idiot Filipina, You are an Allien! You have no place here in our country! You better go back to the Philippines!”

Walang magawa si Donna kundi ang mapahagulhol. Sobrang diskriminasyon ang kanyang nararanasan sa bagong paaralang kanyang pinagtuturuan ngayon. Hindi guro kundi isang alila at utusan ang trato sa kanya ng mga estudyante niyang puti. Hindi niya kayang supilin ang sobrang pagiging wild ng mga bago niyang mag-aaral. Kahit siya ay sumigaw at humiyaw sa sobrang galit ay hindi siya pinakikinggan at iniintindi ng mga ito, na mistulang mga demonyong may buntot at sungay sa ulo.

Mala-impyerno ang limang buwang naging karanasan ni Donna sa kanyang pagtuturo sa Amerika. Hindi na niya kaya. Walang nabago sa bastos at pangit na pakikitungo sa kanya ng mga estudyante niyang puti. Suko na siya. Hindi na siya tatagal. Bago pa siya bawian ng katinuan ay humiling na siyang pabalikin na lamang sa Pilipinas.

Daig pa niya ang tumama sa lotto ng payagan siyang bumalik ng bansa.Walang pagsidlan ang kanyang tuwa. Uuwi na siya ng Pilipinas! Babalik na siya sa bansang pinakamamahal! Hindi bale nang sabihin na bigo siya sa kanyang mga pangarap ang mahalaga makakapiling niyang muli ang pamilya na siyang itinuturing niyang tunay na kayamanan.

UUWI NA SI MA’AM! At meron siyang leksyon na natutunan. Ang kayamanan ay di sukatan ng kaligayahan. Ang mahalaga ay masaya ka kapiling ang iyong mga mahal sa buhay at ikaw ay kanilang iginagalang at pinapahalagahan… (Hannah Kim)


Suring Pampelikula
Nasa 'Pinas na sila!

I am Bettyful!

Isa na ito sa mga katagang alam na halos ng karamihan matapos na gumawa ng Pinoy bersyon ng Betty La Fea.

Kilala ang mga Pilipino sa pagkahilig sa mga soap opera kung kaya’t patok ang mga pagpasok ng iba’t ibang palabas mula sa ibang bansa.

Dati, telenobela lamang ang alam ng lahat ngayon may Koreanobela at Tsinobela na patok na patok sa panlasa ng mga Pinoy.

At dahil dito, nagkaroon na ng Pinoy bersyon ang ibang palabas na napanood na natin noon. Marami ang nagsasabing parang walang originality ang maga ito o kaya naman ay mga trying hard ang mga artistang gaganap dito.

Ngunit ng ito ay ipalabas marami din ang nanood o sumusubaybay sa mga pangyayari. May nag-aabang kung talaga nga bang ginaya lang basta ang mga ito.

Subalit kung susuriin, binigyan ng ito ng kakaibang atake at nilagyan ng pagka-Pilipino. Nilagyan ng mga kaugalian natin.

Ilan sa mga sinubaybayan ng mga manonood ang Marimar, My Girl, Ako Si Kim Sam Soon at ngayon nga ang Betty La Fea. 

Mga palabas na nagpaiyak, nagpatawa, nagpakilig, at nagbigay inspirasyon sa lahat, bata man o matanda, may ngipin o wala.

Malaki ang ikinatanyag ni Marian Rivera ng mapili siyang gumanap na Marimar. Marami ang humanga sa kanyang ganda gayundin sa kanyang pag-arte. Masasabing pinatunayan lang talaga niyang kayang pantayan si Thalia.

Sa My Girl, halos walang ipinagkaiba ang karakter ng dalawang bidang babae na ginampanan ni Kim Chui ngunit may mga nagsasabing masyado pang bata sina Kim at Gerald para sa role nito. Ganunpaman ay sinubaybayan pa rin ito.

Si Regine Velasquez naman ang napiling gumanap na Kim Sam Soon at bumagay naman sa kanya. Nabigyan ng ibang kulay ang buhay ni Kim Sam Soon.

Unang sinimulan sa Columbia ang Betty La Fea at nagkaroon na ng iba’t ibang bersyon, at ngayon ay lumipad na patungong ‘Pinas. Maraming nagsasabing bagay na bagay kay Bea Alonzo ang pagganap niya dito at ni John Lloyd Cruz na kamukha ng original na artista nito.

Ang pagkakaroon ng Pinoy bersyon ay hindi naman masama, ito lamang ay nagpapatunay na tayong mga Pilipino ay kayang tumanggap ng mga pagbabago.

Marahil, nais ding subukan maiba naman ang takbo ng mga panoorin dito sa ating bansa. At maaaring ito pa lang ang simula ng marami pang Pinoy bersyong ating mapapanood. (Rhodeliza Dollente)

Suring Panlipunan

Libreng ads, sa arm chair mo!

Can u be my txtmate... Psst ano no. mo… 
Pamilyar ba ang mga salitang ito sayong pandinig.Oo mga salitang kadalasang makikita mo sa? Saan nga ba natin ito madalas makikita mo sa? Saan nga ba natin ito madalas nakikita ? Ah naaalala ko na,saan pa kung di sa upuan.

Pero sandali lang hindi lang iyan. Meron pa,isa rin sa kadalasang mariririnig mo ay, “Yuck kadiri, sino ba nagdikit ng bubble gum na ito. Kadiri talaga.Nakakatawa talagang isipin na ang simpleng upuan ay marami pa lang laman. Isang simpleng upuan na puno ng sulat,bubble gum,nakaipit na love letter na kung minsan pa’y nakadikit sa ilalim.Hay! tayo talagang kabataan,hindi malaman ang takbo at laman ng isipan.

Nakakatawang isipin,nakakakilig na sa simpleng upuan may nagiging magkasintahan. Ngunit ano nga ba talaga ang totoong dahilan kung bakit nagsusulat at nagdidikit ng bubble gum si ate at si kuya? Ating isa-isahin ang mga kadahilanang nagtutulak na gawin ang karumal-dumal(hindi nga?) na gawaing ito. 

Unang-una sa Listahan;makipagkilala, ang pagkakaroon ng bagong kaibigan(kaibigan nga ba ang hanap?) ay masayang gawain. Pangalawa ay ang pagpahayag ng nararamdaman, kapag si ate ay may crush, pero ibang oras ang klase niya sinusulat niya ang kanyang gustong sabihin(kakakilig naman). At ang pinaka-huli, dahil si kuya ay may sakit na KATAM, as in katamaran(bongga! pangmayaman ba yun?). Sino nga naman ang magnanais na lumabas pa at itapon ang bubble gum sa basurahan. Nakakatamad nga naman... e meron nga namang instant basurahan...ang upuan. Nakakatawang mga dahilan diba?pero iyan ang katotohanan.

Katotohanan na hindi na natin matatakasan. Ating palawakin ang mga dahilan kung bakit nagsusulat sa upuan ang ating mga friendship. Isa sa mga nakikita sa mga upuan ay ang salitang “I Love You Bhe! Mahal na mahal kita!” Oh diba bongga! Ang filings nga naman kahit saan nakakarating. Madalas sa atin ngayon, hindi na mahilig sa direktang papagpapahayag ng saloobin. Mahilig na tayo ngayon sa paraang masasabi natin ng hindi agad-agad malalaman ng ating gustong paratingan. Ito nga ang isang paraan na iyon. Syempre nahihiya si Ate kay crush. Kaya idaan na lang natin sa upuuan. Upuaan na lang ang magsasabi ng kanya-kanyang nararamdaman. O diba nga naman... masyado na tayong maparaan.

Doon naman tayo sa kadiring bubble gum. Hoy Kuya! Kadiri kaya yun no... Itigil na! tama na!
e kung mukha mo kaya ang didikitan ng Bubble gum? Masaya ka kaya? hay, bawal po ang tatamad-tamad magtapon sa basurahan!

At patikim pa lang yan...hindi lang sa mga upuan iyan madalas mangyari. Nangyayari rin ang mga ganitong eksena sa dingding ng mga C.R.. Nariyan ang pagsulat ng mga nakakakilig na I Love You. At hindi lang yan mga friends, kapag may kaaway si kuya... ay! bonggang-bongga ang ding-ding sa daming banta.

Nakakatawa talaga... HAHAHA(ang plastik).

Pero kung ating susuriin, ito rin ay isang paraan ng komunikasyon, kung walang load ang cellphone mo... o diba? nakatipid ka pa.

Iba-iba man ang nais iparating, iisa lang ang layunin. Walang iba kundi ang mailabas ang saloobin sa isang tao o sa lahat man.

Iisang layunin ngunit iba-iba ang paraan ng pagpaparating.

Normal lang ang pagpapahayag ng damdamin... ilabas mo na yan, sige ka, baka sumabog yan... Mabaho pa! (hahaha) (John Rey Castillo)

Tula
Ulan
Fredyrico Torres

Mga sampung taon ang nakararaan,
At naalala ko pa noong aking kamusmusan,
Na ako dati’y maraming kinatatakutan,
Lalung-lalo na ang malakas na ulan.

Ayokong marinig ang kulog na nakagugulat,
Ayokong marinig ang mabangis na kidlat,
Kapag ang hangin ay nagsimula ng humampas,
Ako’y nananalangin na ito na ay umalpas.

Sa bawat pagpatak ng tubig mula sa itaas,
Ako’y pinagbabawalang maglaro sa labas,
Dito lang daw ako sa loob at magpainit ,
Para ng sa gayon ay hindi ako magkasakit.

Mga sampung taon na rin ang nakararaan,
Wala pa ring pinagbago ang noong aking kamusmusan,
Hanggang ngayon ako’y duwag at maraming kinatatakutan,
Walang pag-asa na ang nakaraa’y kalimutan.

Ngunit sa pagdaan ng panahon,
Ako’y unti-unti na ring umahon,
Sa putikang aking kinasadlakan
Ngayon, ako ay lalaban.

Nasaan na ang kulog na nakugugulat?
Nais kong makita ang mabangis na kidlat,
Sana ang hangin ay magsimula humampas,
At patutunayan ko ang aking lakas.