Friday, February 20, 2015

Balita: Kandidato ng SSG, isinalang sa Press Conference


Inilatag ng bawat grupo ng kandidato ng Supreme School Government (SSG) officers ang kani-kanilang plataporma para sa susunod na taon, sa isinagawang press conference sa Computer Laboratory, Peb. 16.

Inamin ng grupong Wise Intention For Individual (WIFI) na 80 porsiyento lamang ang kasiguraduhan na maipapatupad ang lahat ng kanilang plataporma. Kabilang na rito ang kaayusan sa pananamit ng bawat estudyante, Proper Waste Management, Free Tutorial, SARDO, wastong pagdidisiplina sa mga mahuhuling nagka-cutting class at ang paglalagay ng freedom wall. 

“Napagpasyahan naming maglagay ng freedom wall, para naman matigil na ang pagba-vandalism ng mga estudyante sa CR.” sagot ni Appke Claire Benito (tumatakbong Kalihim ng SSG) nang tanungin siya sa kahalagahan ng paglalagay ng freedom wall. 


Hindi naman nagkalayo ang plataporma ng grupong Enhance the Development of Individual With the help of governance Of Well first state (EDI WOW) sa naunang grupo. Katulad na lamang ng wastong pananamit at ayos ng mga estudyante, pagpapanatiling maayos ng silid-aralan, Proper Entrance and Exit at freedom wall. 

Ayon din sa kanila, nasa 85 porsiyento lamang ang kanilang kasiguraduhan sa pagpapatupad ng kanilang plataporma. 

“Hindi naman namin sinasabing 100% magagampanan namin yung mga planong ito,” pag-amin ni Sheena Perez (tumatakbong SSG President, EDI WOW Group). 

Bagama’t kapwa aminado ang parehong grupo sa maaaring maging resulta ng kanilang mga inihaing plataporma; sinigurado naman nila ang kanilang sapat na atensyon sa pamamahala ng mga estudyante. 

“Ibibigay namin yung best namin at makikipagtulungan kami sa iba’t-ibang organization ng school.” paliwanag ni Catherine Santos (tumatkbong SSG president, WIFI Group). (Alma Mae Trilles)